Masarap isipin kung may taong handang makinig, umalalay at magmahal para sa ‘yo. May masasandalan kung ikaw ay may problema ngunit hindi natin namamalayan nawawala na sila sa atin. Minsan pa natatakpan na ang kanilang mga kasinungalingan ng dahil sa lubos nating pagmamahal.Nagiging tanga tayo sa mga bagay bagay pero dapat na nating pakawalan kung talagang hindi atin.
Ang karma parang PELIKULA kung hindi SHOWING malamang COMING SOON.
Isa kaba sa mga niniwala sa karma. Ang karma sa buhay ay sadyang dumadating lalo na kung kasamaan ang ibinigay mo, malamang kasamaan din ang babalik sayo. Mahirap magdesisyon lalo na kung alam mong makakasakit ka o makakasira ka ng isang tao. Ang karma ay bagyo ng darating at bubulaga sa buhay mo.
- Masakit isipin na dahil sa isang PANGYAYARI hindi na kayo pwedeng maging tulad ng DATI.
Kalimitan sa isang relasyon kapag naukitan na o nasira ng dahil sa mga maling desisyon ay nagkakaroon ito ng lamat na mahirap ibalik sa dati. Marami din ang nasisira o nawawasak na relasyon dahil sa maling pangyayari. Kaya kung ako ikaw wag kang gumawa ng mga bagay na ikakasira ng iyong relasyon.
- Ang dali mong maniwala sa kasinungalingan pero hirap kang tanggapin ang katotohanan.
Natural sa ating mga tao ang makinig sa iba ngunit lingid sa ating kaalaman ay minsan ito ay kasinungalingan lamang. Marami rin ang nagkakasiraan ng dahil dito, matuto tayong tanggapin ang katotohanan.
- Sa pag-ibig, walang bulag, walang pipi, walang bingi..pero tanga marami.
Bakit nga ba pagdating sa pag-ibig maraming tanga yung alam mo na niluluko ka na wala lang sa’yo. Huli mo na ang kanyang kasinungalingan bale wala lang sa’yo. Humanap ka nalang ng tao na ibabalik rin ang pagmamahal na ibinibigay mo. Wag kang magpakatanga sa taong hindi sa’yo.
- Kahit gaano pa kadami ang signs na dumadating at matupad, kung di ka niya mahal, hindi ka niya mahal.
Isa sa mga katangian ng mga babae sa paghihintay ng kanilang the one ay pahingi ng mga signs para makita ito. Kalimitan nga nakikita yung mga signs at natutupad ngunit ang tanong mahal ka ba niya? Minsan kahit dumating may minamahal naman silang iba kaya aasa ka nalang, kaya naman maghintay o maghanap ka na lang ng taong babagay sa’yo.
- Sana pwedeng ibalik yung araw na UNA KITANG NAKILALA. Di tulad ngayon, na halos hindi mo na AKO MAALALA.
Bakit nga ba sa pag-ibig sa simula masaya ngunit bakit habang tumatagal hindi na? Ito talaga ang nangyayari kapag ang isa ay nakakalimot na ng dahil sa iba’t ibang dahilan. Lagi mo nalang maiisip kung pano kayo nagsimula ngunit mapapatanong ka pa rin sa sarili mo kung anung nangyari bakit nabago ang lahat?
- Aanhin pa ang tiwala kung bawat hinala ay lagi na lang tumatama?
Hindi talaga nawawala sa mga babae na maghinala lalo na kung ang kasama ng jowa ay babae lalo na kung gabi. Minsan din naman kasi ang hinala ay totoo, malakas kasi ang mga pakiramdam ng mga babae . Kaya mahirap magsinungaling sa taong malakas makiramdam.
- Aminin mo, alam mong may KALANDIAN kang taglay pero sa taong mahal mo lang ina-apply at hindi sa buong BARANGAY.
Minsan ang mga babae talaga may kalandian ding taglay ee kahit alam ng may jowa yung lalaki lalandiin pa rin ee. Kaya naman maraming relasyon ang nasisira ee. Kaya kung maglalandi ka pwede ba sa jowa mo nalang at hindi sa buong barangay madaming nasisira ee.
- Paano mo makikita yung para sayo kung ayaw mong tantanan yang pinipilit mong maging
Minsan bakit kailangan nating isiksik yung ating mga sarili sa mga taong hindi tayo mahal paano natin makikita yung para talaga sa atin. Mahirap magbakasali sa mga pagkakataon kasi ang oras hindi na maibabalik pa sa oras na sinayang mo.
- Ang pag-ibig parang sipon, Why do you keep pulling it back when it’s better to let go.
Bakit nga ba kailangan mo laging hilahin pabalik ayaw naman talagang bumalik, pakawalan mo nalang baka maging masaya ka pa kapag pinakawalan. Dahil kahit anong pigil mo kung hindi para sa’yo, hindi talaga para sa’yo.
Thank you for visiting our blog site. For more blogs visit us at http://malungkot.com/. Please like and share.