Sa malayo kapa nakatingin andyan lang pala sa tabi mo yung tao na tunay na magpapasaya sayo. Andyan lang pala sila palagi, hindi lang natin napapansin kasi sa iba tayo palagi nakatingin. Sila yung mga taong palagi nating kasama sa lahat. Sila yung madalas na itinuturing lang natin na kaibigan, pero may lihim na pagtingin pala sa atin.
Hindi mo talaga sila mapapansin kapag sa ibang tao tayo nakatingin. Pero kapag napansin mo na marerealize mo nalang bigla na ang tagal na pala nilang andyan, napakatagal kana pala nilang inaalagaan, napakatagal na pala nilang nagmamahal sayo at dito nagsisimula ang friendzone at ikaw na ang bahala kung handa ka bang isugal ang pagkakaibigan niyo, pero hindi naman lahat ay ganito, yung iba mutual talaga sa madaling salita gusto niyo na rin ang isa’t isa.
Yung iba naman ay binibigayan nila ng chance ang mga kaibigan nila dahil narealize nila na madali lang palang mahalin ang isat isa, madali lang palang mahulog sa kanya, madali lang pala siyang mahalin. Masaya mainlove sa isang kaibigan kasi alam niyo na ang mga gusto at ayaw niyo, kung anong paborito niyang pagkain, kung anong paborito niyang movies, kung anong hobby niya.
Masaya rin ito dahil palagi kayong magkasama, araw araw natin silang makakasama dahil malamang kapag kaibigan ay kaklase mo o kapitbahay mo o kababata mo lang kaya palagi mo talaga siyang makakasama. Masaya mainlove sa kaibigan dahil kilalang kilala niyo na ang isat isa, hindi na kayo mahihirapang magadjust sa ugali ng isa’t isa.