Maraming salamat po sa pagdalaw ninyo sa aming blog site. Sana ay magustuhan ninyo ang mga mababasa ninyo dito.
Sa totoo lang naman, napakasarap magmahal, lalong lalo na kung mahal ka din nung taong mahal mo. Kaya lang naman kasi tayo nasasaktan e masyado tayo kung magbigay, sobra sobra tayo kung magmahal. Di na natin pinag – iisipan kung tama pa ba o mali na yung mga ginagawa natin.
Nagiging normal na sa panahon natin ngayon na may mga paasa at may umaasa, mga manloloko at mga nagpapaloko. Paaasahin lang pala tayo, tapos tayo naman na tanga, aasa na lang ng aasa. Niloloko na tayo asa pa din tayo ng asa. Wag na kasing magpaloko para wala ng nanloloko.
Bakit nga ba ganun ang isang relasyon, pag nagseseryoso ka, niloloko ka. At kapag ikaw naman ang nagloko, sila naman yung seryoso. Hindi ba pwedeng pag seryoso tayo, seryoso din yung minamahal natin? Pwede naman siguro yun kung marunong lang tayong makuntento.
Kung mahal ka talaga ng taong mahal mo, hindi na niya kailangang tumingin pa sa iba. Dapat ikaw lang, sapat na para sa kanya. Hindi na siya dapat naghahanap pa ng iba. Dapat inisip muna niya yung mararamdaman mo bago siya nagloko.
Ganyan ang nangyayari kapag masyado kang maraming hinihingi sa partner mo. Baka hindi mo namamalayan na nasasakal mo na pala siya. Baka masyado mo na siyang pinagbabawalan, kaya ayun, naghanap na lang ng iba. Naghanap siya ng tao na sa tingin niya e mas makakapapagpasaya sa kanya. Tapos nung nawala siya, todo habol ka.
Sa sobrang dami ng sakit na binibigay niya sa’yo hindi mo na alam kung ano ang gagawin mo. Yung feeling na gusto mong sumigaw ng malakas para lang mailabas mo yung nararamdaman mo, pero hindi mo magawa dahil alam mong kahit ano pa ang gawin mo, wala na siyang pakialam sa’yo. Kaya kinikimkim mo na lang yung nararamdaman mo, at iniiyak mo na lang sa tuwing nag – iisa ka.
Sa sakit ng mga ginagawa at sinasabi niya sa’yo, gustong gusto mo ng umiyak, pero pilit mong pinipigilan kasi ayaw mong makita niya na nasasaktan ka, gusto mong ipakita sa kanya na kaya mong mabuhay kahit wala siya sa buhay mo. Sawang sawa ka na kasing masaktan.
Alam naman nating lahat na mayroong forever e, naka – define pa nga yan sa dictionary. Kaya lang, marami sa atin ang nagiging hopeless sa pag – ibig kapag involve na ang word na yan. Sa dami kasi ng mga manlolokongayon, ginawa na nilang libangan ang mangako gamit ang salitang forever, pero after ka namang paasahin, mang – iiwan din.
Kalimutan mo na kasi si ex mo, tama na ang pag – emote. Wala na din naman magagawa yan e. kahit umiyak ka man ng sampung baldeng luha, hindi na siya babalik sa’yo. Lalo na kung mayroon na siyang iba. Mas mabuti pa, matulog ka na lang para makalimutan mo siya, at bukas pag gising mo, magpaganda o magpa gwapo ka. Dami d’yang iba, hindi lang siya.
Hindi naman porke gwapo tayo, may karapatan na tayong manakit ng babae. At hindi ko din sinasabi na dahil pangit ka, pwede ka ng manakit at manloko. Walang kahit na sinong lalaki ang may karapatang magpaiyak at mangloko sa isang babae. Minahal ka na nga, lolokohin mo pa. isipin mo na lang, pano kung sa kapatid mo o sa pinsan mong babae mangyari ang ganun, ayos lang ba yun sayo?
Mahulog ka man sa kanal, konting hugas lang, okay na agad. Parang wala lang nangyari. Pero once na ma fall tayo sa isang taong alam naman natin na di tayo sasaluhin, yun yung mahirap e. mabuti sana kung kayang matanggal yun sa liguan, e kahit yata makailang ulit tayong maligo di pa rin mawawala yung sakit na nararamdaman natin. Masyado kasi tayong umaasa e, kaya sobra tayo kung masaktan.