“Sana may gamot sa sakit nang paglisan mo, para mawala na ang lungkot na dulot ng pag-iwan mo.”
May sasakit pa ba sa salitang “break na tayo”. Sakit di ba?
Ang lungkot nyan. Yung tipong parang sakit sa ngipin, apektado ang buong katawan at pagkatao mo.
Lungkot na di kaya mawala sa loob ng isang araw lang.
Ang Sakit Sakit.
Ang lungkot lungkot.
Kasi nga nasanay ka na kasama sya. Nagmahal ka pero di pa rin pala sapat ang lahat. Walang ano man na gamot ang kayang magpahinto ng sakit at lungkot ng pangungulila mo sa kanya.
Ngunit. Subalit. Datapwat, wala na talaga. Natuldukan na at hanggang doon nalang talaga. Tanggapin mo nalang ang katotohanan. “Break talaga na kayo”.
Malungkot ka ngunit di dyan natatapos ang buhay mo. Malungkot ka ngayon pero sooner or later sasaya ka din.
Sabi nga sa movie na One More Chance,
“”Baka kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal natin kasi baka merong bagong darating na mas ok, na mas mamahalain tayo.” – Popoy”
Tama yun. Kaya ka nasasaktan ngayon at nalulungkot, dahil nagmahal ka ng di talaga para sa iyo. Darating din ang panahon, sasaya ka rin ulit. Malay mo dumating ang oras na magkabalikan kayo tulad ni Popoy at Basha, di lang ngayon pero soon. Kung sakali na di talaga sya para sa iyo, maghintay ka lang. Di ka forever malungkot. Break-up lang yan. At sigurado ako, kaya mo yan.