Science Hugot Quotes
Hindi nawawala sa buhay natin ang SCIENCE. Hindi naman kasi ‘yan kagaya nung JOWA mong bigla na lang nawala na parang TUBIG na nag-EVAPORATE. Lagi ‘yang nariyan in any form, hindi gaya niya na nariyan lang kapag may kailangan siya.
Isa-isahin natin:
CHEMISTRY? Well, yan yung wala kayo. Hindi gumagana ang QUANTUM FORCES sa inyo, simply because hindi talaga compatible ang mga ELEMENTS niyo. Masakit ba? Damdamin mo. Deserve mo ‘yan. Charot.
PHYSICS? Aha! Yan yung mag-eexplain sa iyo kung gaano siya kabilis umalis sa buhay mo, given the DISTANCE niyong dalawa, TIME na nailalaan niyo sa isa’t isa, at yung FORCES na nagtulak sa kaniyang lumayo.
BIOLOGY? Simple lang naman ang gusto nitong ituro sa’yo — ang katotohanang walang matibay na ORGANISM sa mapanirang BACTERIA. Matauhan ka, nagka-PARASITE ang relasyon nyo.
EARTH SCIENCE naman, marerealize mo dito na kahit ang pinakamatigas na LUPA ay nagkakalamat kapag LUMINDOL. Bes, yung relasyon niyo yung lupa, yung third party yung lindol. Expected na ‘yon.
“Revolution? Sabi ng teacher ko, ang example daw niyan. Yung moon umiikot sa earth tapos yung earth umiikot sa sun. Parang tayo, umiikot mundo ko sa’yo, pero sa iba umiikot yung mundo mo.”
Masakit ‘to bes. Kaya ‘wag mong gagawing mundo ang dapat na tao lang. Please lang. Nag-aral ka naman ng Science ‘di ba?
“Kung NEURONS tayo, ikaw yung dendrite, ako yung axon. Ako kasi lagi ang nagbibigay.”
Huwag kang pumayag dito bes. Swear to the mother of yours, luging-lugi ka.
“Repelling magnetic waves? Yan yung sa’tin. Yung tipong kapag lalapit ako, lumalayo ka.”
Oh, realtalk ito. Di ka lang talaga type ng crush mo. Huwag iiyak. “i’m jAZzs s@yInG tH3 tRuTh.”
“Ang pag-ibig natin ay parang “Elastic Collision” – Pinagtatagpo pero hindi kailanman maaaring manatili sa isa’t isa.”
Ever heard of PENDULUM? Gano’n kayo ng jowa mo. Kahit ilang beses pa kayong magkabalikan, swear, hindi talaga kayo. Oh sige, iyak ka na.
“Ikaw si Adenine, ako si Thymine. Tayo talaga dapat magkapares pero whenever Uracil comes in, I always end up being disregarded and forsaken.
Sa pairings ng Deoxyribonucleic Acid (DNA), of course may meetings kayo ni jowa mo. Pero after you, sa Ribonucleic Acid (RNA), may darating at darating na papalit sayo who is more compatible to him more than you do in the long run.
“Sa relasyon natin ako yung nagsisilbing white blood cells. Ako lang naman kasi yung lumalaban para sa ating dalawa.”
Bes ‘wag kang martyr. Hindi lang ikaw ang involved sa commitment. Be both the Lymphocyte and the Erythrocyte: fight and be fought for.
Ayan, hindi ako bitter or something, wala lang talagang forever. Believe it because even Science explains that everything is EPHEMERAL.
I would like to thank you for reading this blog. I hope you liked it. Please like and share. Follow us on our accounts.
Love lots.