Hindi nawawala sa buhay natin ang SCIENCE. Hindi naman kasi ‘yan kagaya nung JOWA mong bigla na lang nawala na parang TUBIG na nag-EVAPORATE.
Isa-isahin natin:
CHEMISTRY? Well, yan yung wala kayo. Hindi gumagana ang QUANTUM FORCES sa inyo, simply because hindi talaga compatible ang mga ELEMENTS niyo.
PHYSICS? Aha! Yan yung mag-eexplain sa iyo kung gaano siya kabilis umalis sa buhay mo, given the DISTANCE niyong dalawa, TIME na nailalaan niyo sa isa’t isa, at yung FORCES na nagtulak sa kaniyang lumayo.
BIOLOGY? Simple lang naman ang gusto nitong ituro sa’yo — ang katotohanang walang matibay na ORGANISM sa mapanirang BACTERIA. Matauhan ka, nagka-PARASITE ang relasyon nyo.
EARTH SCIENCE naman, marerealize mo dito na kahit ang pinakamatigas na LUPA ay nagkakalamat kapag LUMINDOL. Bes, yung relasyon niyo yung lupa, yung third party yung lindol. Expected na ‘yon.