Napakasakit sa pakiramdam kung sa isang relasyon ay tanging ikaw na lang yung lumalaban. O kaya naman ay dumadating yung mga pagkakataon na sobrang sakit na ng nararamdaman natin, pero wala naman tayong magawa dahil wala naman tayong karapatan. Hindi naman sila sa atin, pero palagi pa rin tayong nasasaktan.
1.Dapat ba akong ngumiti dahil magkaibigan tayo? O dapat ba akong malungkot dahil hanggang dun lang tayo?
Friend – zone yung wala kang magawa at di mo na alam kung ano yung mararamdaman mo. Bakit pa ba kasi na – imbento ang salitang friend – zone. Magiging masaya ba tayo kasi kaibigan na natin siya? O masasaktan ba tayo kasi kaibigan lang tayo? At wala na tayong ibang magagawa kundi tanggapin na hanggang doon lang talaga at di na yun magbabago pa.
2.Mahirap kumalma lalo na kapag selos na selos ka na.
Mahirap maging mabait lalong lalo na kung harap – harapan na tayong niloloko ng taong mahal natin. Nakakagalit talaga lalo na kung nakikita natin na nakikipag – landian pa talaga siya na akala mo e hindi ka kasama. Kung pwede lang sanang manakit e nagawa mo na. ang hirap umaktong cool kung selos na selos ka na.
3.Ang relationship ay may hangganan, magiging forever lang to kung pareho kayong lumalaban.
Lahat daw ng relasyon ay may katapusan. Lalong lalo na nga kung ikaw na lang ang lumalaban. Kaya minsan mas mabuti na yung sumuko na lang minsan. Pero kung titingnan, pwede namang maging forever ang isang samahan. Nakadepende na lang yun kung ano ninyo kagusto na makasama ang isa’t isa. Magiging forever lang ang relasyon kung pareho kayong seryoso sa salitang, “walang iwanan.”
4.Kapag nasayo na wag mo ng pakawalan dahil hindi lahat ng bagay pwede pang balikan pakatapos pabayaan at iwanan.
Bakit pa ba kasi kailangan pa nating maghanap ng iba e. Meron na nga, maghahanapa pa ng reserba. Ayun na e, yun nay un. Pinakawalan pa natin. Lalo tuloy tayong nawalan. Kung nakuntento lang sana tayo sa kung anong meron tayo, di na sana masasaktan at mawawalan.
5.Minsan, ang puno’t dulo ng pag-aaway niyong dalawa ay namimis nyo lang talaga ang isa’t isa.
Minsan sa sobrang miss natin sa isang tao, dun natin naipapakita sa pagiging mainit ang ulo. Nagkukunwari tayong nagagalit tayo sa kanya dahil may kasalanan sya. Pero ang totoo, inaaway lang natin s’ya para ipakita natin na sobrang miss na natin siya.
6.Minsan kung sino pa yung rason mo kung bakit ka masaya. Sya din ang rason kung bakit masasaktan ka ng sobra.
Kapag sobrang napapasaya tayo ng isang tao, nahuhulog ng todo ang damdamin natin sa kanya. Minsan, umaasa pa tayo kahit hindi sinasadya. Kaya once na masaktan tayo dahil sa kanya, sobra sobra. Sabi nga, “huwag kang magpapakabalot sa sobrang tuwa dahil baka ang kapalit nun ay ang pagkalunod mo sa luha.”
7.Hindi lahat ng nawawala natatagpuan pa… hindi lahat ng umaalis bumabalik pa.. at hindi lahat katulad mo, na kpg nwala hhnapin ko, kapag umalis hihintayin ko kc hindi lahat kasing halaga mo.
Hindi naman talaga problema kung hindi pantay pantay ang nararamdaman natin para sa iba’t ibang tao. Wala lang sa atin kung may mawala o umalis. Minsan, wala na tayong pakialam kung makita man natin sila ulit o kung bumalik man sila sa buhay natin. Pero minsan lang din dumating yung tao na sobra kung pahalagahan natin, at once na umalis siya, tayo na mismo ang magkukusa na intayin ang pagbalik niya.
8.Paano kung sobrang in love k s 1 tao, tapos 1 araw bumalik ung dati mong mahal,, cno pipiliin mo? ung dati n gusto mong balikan o ung ngayon na ayaw mong saktan?
Bakit pa ba kailangan nating mamili sa kung sino ang dapat nating samahan? Kung bumalik man sa buhay mo yung taong dati ay mahal na mahal mo, bakit pag – aaksayahan mo pa ng oras yung pag – iisip tungkol dun? Nakaraan na nga e, lahat ng bagay ay nangyayari for a reason. Nawala siya sa buhay mo kasi nagdesisyon kayo. Kaya huwag mong saktan yung mahal na mahal mo ngayon na umaasa sa’yo. Hindi natin alam, baka kaya meron kang “ngayon” ay para makalimutan mo ang “noon”.
9.Ang hirap maging ex lang. Di mo alam magseselos ka, kung magagalit ka. Kung magtatampo ka sa kanya. Bakit anong pakialam mo na panghimasukan ang buhay nya? Isa ka na lng nakaraan diba?
Ex na nga e, bakit pa natin ipagsisiksikan yung sarili natin sa kanya? Wala na dapat tayong pakialam sa kanya. Bakit pa tayo magseselos kung meron na siyang bago? Intindihin na lang natin na kung mahal talaga niya tayo, hinding hindi niya tayo iiwan at hindi siya maghahanap ng iba.
10.Maling iwasan ka pero ginawa ko.Maling mag alala pero ginawa ko.Maling mahalin ka pero ginawa ko.Pero ang kalimutan ka, Damn! Bat ang yun ang di ko magawa?
Ano bang meron siya at di natin siya makalimutan? Kahit anong iwas natin, siya pa rin. Nag – aalala tayo sa kanya kahit wala siyang pakialam sa atin, minamahal natin siya kahit alam nating di niya kayang ibalik yung pag – mamahal na yun. Hirap na hirap tayong kalimutan siya dahil minahal na natin siya ng sobra.