Tagalog Sad Love Quotes
Madalas sa buhay magkarelasyon, nasasanay tayo na yung partner lang natin ang nageefort, yung tipong hindi natin sila pinapahalagahan kasi alam nating mahal na mahal nila tayo. Dapat bang ganun lagi ang trato natin sa taong nagmamahal satin? Marapat bang balewalain natin yung effort na ibinibigay nila or dapat bang hayaan natin na sila lang yung nageeffort? Diba ang unfair naman kung ikaw yung nageeffort tapos siya wala lang, take lang ng take. Sa relasyon dapat give and take, hindi take and take…. Lahat kasi ng tao may limits gaano ka man kamahal niyan, sabihin na nating gaano man yan katanga sa pagmamahal sayo darating at darating ang time na mapapagod yan, na matatauhan yan at isusuko niya rin yung pagmamahal niya sayo kasi binabalewala mo lang naman ang lahat ng efforts niya.
Matoto tayong iappreciate ang effort ng taong karelasyon natin kasi sa dami-dami ng tao sa mundo ikaw yung napili niyang mahalin. Sa panahon ngayon kokonte nalang talaga yung nagseseryoso ei, kakaunti nalang yung mga marunong makontento. Kaya pag nahanap mo na huwag mo namang pabayaan, mageffort ka rin naman matuto kang suklian yung pagmamahal na ibinibigay niya sayo. Sabi nga maiksi lang ang buhay nating mga tao sa mundo, kaya kung nakita mo na yung taong magmamahal sayo ng higit pa sa inaasahan mo aba swerte mo… wag mo na pakawalan minsan lang magexsist yung mga taong ganyan. Mahalin mo sya gaya ng pagmamahal na deserve niya at mageffort kadin gaya ng ginagawa niya. Pero magtira parin ng pagmamahal sa sarili upang sa huli hindi magsisi. Kasi sa mundong ito wala tayong kasiguraduhan kung sila na talaga yung para sa atin.
Salamat sa pagbisita sa blog-site na ito hope ay may natutunan kayo sa mga pinagsasabi ko, at sana naman kung meron nga ay isabuhay niyo matoto kayong pahalagahan yung mga taong nagmamahal sa inyo.