Ang spoken word poetry na ito ay para sa mga taong nagmahal, nasaktan, at nagpatawad. Kung mahal mo ang isang tao sya at sya parin ang magiging sayo sa bandang huli. Paghiwalayin man kayo ng tadhana, gagawa at gagawa ka parin ng paraan upang maging kayo ulit.
“PAG-IBIG”
I. #Nagmahal
Ikaw lang ang tanging tumatakbo sa isip kong ito
Hindi ko na nga maintindihan
Ang saya na aking nararamdaman
Gustong palaging nasa tabihan
Kasama at magkayakap
Habang nakatingin sa mga alapaap
Nag-iisip kung ano ang mangyayari sa hinarap
Makasama ka’y laging kong inaasam
Ang mga nais kong maranasan
Nakahigang magkasama
Habang nakatingin sa ulap
At nagmamasid ng mga tala
Mga tala na magiging saksi sa ating pagmamahalan
May nais lang akong sabihin sayo
Sana wala paring magbabago
Ikaw parin Ang mamahalin ko
Mga bagay akong gustong sabihin sayo
Mga katagang nakita ko sa musikang ito
Iisa isahin Ang bawat linya
At dahan dahang ipapakita
Ito na at aking panimula
The Vamps ang bandang kumanta nito
High Hopes na ibig sabihin ay pag asa
Sisimulan ko sa unang linya
“Well I met you yesterday”
Nung kahapon kitang nakita
Isang magandang dalaga ang nagpakilala
At ikaw na nga yun diba?
“You took my breath away”
Ako ay palaging kinakabahan
Sa tuwing ikaw ay nasa aking harapan
Hindi alam ang gagawin
Hindi alam kung paano mo mapapansin
“And I kinda like the way”
Nung ikay lubusang nakilala
Kakaibang saya ang nadama
Mga bagay na nagustuhan ko sayo
Dahilan kung bakit nandito parin ako
“That your so damn unpredictable”
Pero minsan hindi ko rin ikaw maintindihan
Mga bagay na nagreresulta sa agarang tampuhan
Kahit naman ganun ka
I’ll try my best to understand your situation
Mga dahilan Ng iyong pagka-irita
“And that was just history”
Kalimutan na ang nakaraan
At mag focus na lang sa mga taong ‘tunay’ na nagmamahal
Pero subukan paring silang patawarin
Bigyan ng puwang sa puso
At sila’y kaibiganin
“It turned to you and me”
Nag simula sa asaran
At nauwi din sa pag mamahalan
Naging ikaw at ako
Naging Isa tayo
At naging masaya ako dahil sayo
“It happen so easily”
Napakabilis ng mga pangyayari
Kahit ano Ang mangyari
Ikaw at ikaw parin sa huli
“Like I’m living some kind of miracle”
Himala ang nadama
Nung una kitang nakita at makilala
Para bang isang anghel na bumaba sa lupa
Napakasaya lang na maranasan
Ang mga bagay na kasama ka
” The world keeps spinning”
Mundo ay patuloy na umiikot
Pero parang may nagniningning
Ikaw na magandang dalaga
Na hindi na nawala sa aking alala
“It won’t stop”
Hindi ito tumitigil
Ikaw parin ang hanap ng aking paningin
“It’s just beginning”
Pero ito pa palang ang simula
Perfect by Ed Sheeran
Isang kanta na tagus sa kalooban
Masarap pakinggan kung ito’y iyong nararanasan
Ito na at akin nang sisimulan
“I found a love for me”
Pagmamahalan ang nakita
Sayong kagandahan at halina
Tuluyan akong nabighani
Dahil sa iyong tunay na ugali
“Darling just dive Right in and follow my lead”
Wag mag alalang magtiwala sa akin
Sumunod sa ating puso
Na may patnubay ng ating isipan
Lahat ng desisyon natin ay magiging tama
Kung ito lang Ang ating susundan
“Well I found a girl beautiful and sweet”
Isang babaeng maganda at wala nang iba kundi ikaw
Ang taong palaging tumatakbo sa aking isipan
“I will not give you up this time”
Pipilitin hindi sumuko
Sa mga isipan nating hindi mag katagpo
Kaya nauuwi sa gulo
Pero nag kakaayos parin
Dahil pagmamahalan parin ang nangibabaw
“Darling you look perfect tonight”
Masaya ng makilala ka
Hindi ko alam kung paano ko maipapakita
Pero kahit na ganun tandaan mong makal Kita
Kaso may problem
“I’m ready to wrap that perfect gift,
BUT I haven’t found it yet”
Meron na akong ibibigay sa yo
Kaso hindi ko alam kung ano ba ito
Kahit ako rin ay nalilito
“Cause I don’t have a clue”
Wala akong clue
Hindi kung magagawa
Mahirap ang magsimula
“SO I’LL GIVE YOU MY HEART”
Yan na siguro ang pinaka mahalagang ibibigay ko sayo
Pagmamahalan na hindi mahihigitan nino man
Na talagang sayo lamang
II. #Nasaktan
Kaso may nangyari
Nagkagusto ka sa ibang lalaki
Hindi ko alam ang gagawin
Litong-lito kung ano ang pipilin
Palayain o patawarin
Hindi ko labis maunawaan
Bakit ka nakaisip ng mga ganung paraan
Dahil sa mali mong desisyon na yun
Maari kang mawalan ng mga matalik mong kaibiganin
Baka pati narin yung iyong minamahal
Nakatawa lang isipin
Na kaya mo palang gawin yan sa akin
Hindi ko inaasahan yun sayo
Minahal pa naman kita ng totoo
Walang halong biro
Pero nagawa mo parin
You made the wrong decision after all.
III. #Nagpatawad
But it doesn’t change my mind
Sino ba naman ako para hindi ka pawarin
Alam ko naman sa sarili ko na ikaw at ikaw parin
Kahit ano man ang gawin ko
Ikaw ang palaging iisipin
Kahit na masakit
Ito’y aking iindahin
Bibigayan kita ng pagkakataon
At akoy tunay na mamahalin
At wala nang iba pa
Makipag ayos ka narin sayong kaibigan
Aminin ang iyong kasalanan
At Kung tunay ka nyang kaibigan ay mapapatawad ka nyan
Mahal, sana wag ka nag mag bago
Wag naulit biguin ang puso kong ito
Maraming maraming salamat sa pag visit ng blogsite na ito. Sana ay naka relate kayo sa ginawa kong munting tula. For more updates visit http://malungkot.com.