KAPAG MADALAS KAYONG MAGKASAMA – Di nga ba’t kapag madalas mo siyang kasama, kapag lagi siyang nariyan kapag tinatawag mo siya at kahit di mo pa siya tinatawag eh may pakiramdam na hindi ka niya iiwan?
KAPAG NARAMDAMAN MONG NAGKAROON KA NG SILBI – Yun bang akala mo, wala kang kwenta dito sa mundo, pero naramdaman mo sa kanya na napakalaki ng sense mo kaya ka nabuhay. Yung feeling na “NEED” ka niya.
YUNG FEELING NA MAYROON KULANG SA IYO NA NAPUNAN NIYA – Ang sarap yata sa feeling na may pakiramdam kang kulang sa iyo, pero napunan ang blankong ito dahil sa isang tao.
KAPAG LAGI KA NIYANG NAPAPATAWA – Common nang rason ito. Kasi walang dull moment kapag kasama mo siya. Hindi ka nakararamdam ng lungkot sa piling niya. Lagi ka niyang pinapangiti at pinapatawa, kaya nagkakaroon ka ng pakiramdam na maligaya kang mabubuhay sa piling niya.
MALING MOTIBO – Ito yung masakit na rason kaya ka nafo-fall sa isang tao. Yung mga sweetness na naipapakita at naipapadama niya sa’yo, nagagawan mo ng ibang motibo. Akala mo may gusto siya sa’yo, akala mo mahal ka niya, yun pala ganun din siya sa ibang tao. Kadalasan, you are ending up crying at sinasabihan mo siya ng “Paasa!”
SIMPLENG LANDIAN – Uso ngayon ito sa kasalukuyan. Landian dito, landian doon. Hindi mo napapansin, nahuhulog ka na pala sa kanya. Laro lang para sa kanya, pero sineseryoso mo na.
Thanks for visiting malungkot.com. Hope you enjoyed reading our quotes! Please like and share- Thanks! 🙂