Isa ka ba sa mga taong bigo sa pag-ibig? Yung tipong halos ibigay mo na ang lahat ngunit sa hiwalayan parin nagtapos ang lahat. Hirap na hirap kana ba kasi siya pa rin ang lagi mong naaalala ? Nahihirapan ka pa rin bang kalimutan siya ? Kung oo ang sagot mo sa mga katanungang ito marapat lang na basahin mo ang mga sumusunod na Tips para mabilis kang maka move on sa ex mo.
1 “Iiyak mo lang lahat.”
Walang namang masama sa pag iyak dahil minsan ito pa ang mabisang paraan para ilabas nating ang lahat ng sakit na ating nadarama. Kung feeling mo na halos sasabog kana dahil sa sama ng loob mo dahil iniwan ka niya, iiyak mo lang ang lahat dahil sigurado ako pagkatapos nito gagaan ang pakiramdam mo.
2 “Maging positibo sa buhay.”
Hindi lang ang ex mo ang tao sa mundo, wag mong isiping wala ng saysay ang buhay mo dahil lang naghiwalay kayo. Kelangan mong maging positibo sa buhay dahil ito ang panghuhugutan mo ng lakas ng loob para magsimula muli.
3 “Putulin mo lahat ng kumunikasyon mo sa kanya.”
Kung desidido ka nang kalimutan siya burahin mo ang number niya sa cellphone mo o mas mabuti siguro na magpalit kana lang ng bagong numero. Alisin mo na din siya sa friend list mo sa facebook. Marahil ay kelangan mong sundin ang tip na ito sapagkat ito ay mabisang paraan para mabilis mo siyang makalimutan.
4 “Umiwas ka muna sa mga taong malalapit sa kanya.”
Mas makabubuti na lumayo ka muna sa mga taong malapit sa ex mo dahil maaaring sila ang maging dahilan para lalo mo siyang maalala.
5 “Go out with friends.”
Lumabas ka kasama ang mga kaibigan mo dahil malaki ang maitutulong nila para mapasaya ka.
6 “Aliwin mo ang sarili mo sa mga bagay na nagpapasaya sayo.”
Huwag mong hayaang lamunin ka ng kalungkutan, hindi makakabuti ang pagmumokmok lang sa isang tabi. Dapat mong isipin at gawin ang mga bagay na nagpapasaya sayo upang kahit na sandali ay mabawasan ang sama ng iyong loob.