Marami sa ating nagmamahal at nasasaktan pero patuloy pa ding nagmamahal kahit sobrang sakit na. Hindi dahil siguro ay martir sila at tanga pero dahil totoo at wagas lang talaga silang nasasaktan. Diba? maraming nakararanas niyan ngayon at baka nga na ikaw na nagbabasa nito eh pinagdadaanan mo to ngayon? Ano nga bang pakiramdam ng nasasaktan pero di pa rin tumitigil magmahal? bakit nga ba tayo nagmamahal kahit alam naman nating ang dulot nito minsan ay sakit at pighati na nagbibigay sa atin ng matinding lumbay. Pero siguro pwede naman nating itigil at tapusin na ang lahat diba? para wala na tayong sakit namadama? pero di ba natin naiisip na kung pinabayaan, kinalimutan at sinukuan nga natin ang ating pag-ibig e sigurado kayang wala ng sakit? wala ng paghihinagpis? wala ng lumbay? Di ba natin naisip na baka lalong mangyari satin tong mga gantong bagay? diba? dahil mahal natin sila! Importante! Mahalaga! kaya siguro kahit nasasaktan tayo di pa rin tayo bumibitaw dahil mahal pa ang salitang kaya mong panindigan para sa kanya. Kaya hatid namin sayo ang mga Sad Love Quotes and Sayings na talagang makakarelate ka!
Top 10 Best Tagalog Quotes and Sayings!
“Wag malungkot kung palpak ang lovelife mo, sadyang malakas lang na manalangin ang taong pumapangarap sayo”
Wag kang masyadong mag isip na kung bakit hindi pa siya dumadating o kung bakit laging di natutuloy ang magandang simula sa magandang wakas! Pabayaan mo lang dahil hindi lang naman ikaw ang nakararamdam niyan. Dahil merong ibang taong humihiling at nagdarasal na ang pag ibig mong ibibigay sa iba ay hangad nilang makuha diba? Malay mo malakas lang sila sa taas kung bakit di natutuloy ang relasyon mo o kung bakit laging palpak dahil nga siguro eh pinapanalangin lang ng taong nagmamahal sayo na kung pwede siya na lang diba?
“Kadalasan, pag malungkot tayo, nakakalimutan nating ang daming paraan pa pala na pwedeng maging dahilan para sumaya.”
Bakit nga ba sa tuwing nakararamdam tayo ng sakit at lumbay eh masyado tayong nagmumukmuk sa isang sulok na para bang hindi mapakaling lamok. Hay nako nakakalimutan na nating maging masaya kasi hindi lang naman porket nasasaktan tayo e wala na tayong karapatang maging masaya diba. Oo nga nasasaktan tayo dahil sa mga ginawa nila pero pwede namang maging masaya tayo dahil sa ginagawa ng ibang tao diba? Pwede namang ipagsabay yun hindi yung laging kalungkutan ang laging pinapansin na para bang yun lang ang ating nararamdaman.
“Balang araw makakaya ko ulit na tingnan ka ng wala na akong nararamdaman pa”
Di sa lahat ng panahon ay siya lang ang magpapaikot sa mundo mo, ang magpapatibok ng puso mo, ang magsasabing maganda ka, ang magpaparamdam sayo na mahalaga ka at lalong lalo na ang magpaparamdam ng pagmamahal sayo diba? Syempre kung sa sobrang sakit ay nasanay ka ng lutasin ito mag-isa kaya kahit mawala na siya sayo at pag balik niya kaya mo ng tumayo sa sarili mong mga paa at di kana maaapektohan sa mga pinagsasabi niya.
“Ang hirap maging masaya lalo na kung malungkot ka talaga”
Maraming pagkakataon at sitwasyon na nakararamdam ka ng lungkot hindi dahil sa mga bagay na pilit kang binababa kundi sa pag-ibig na sa halip na pasiyahin ka ay siya namang nagbibigay sayo ng malaking problema, pasan, sakit at lumbay. Pero diba mas masakit dun yung tumawa at isigaw sa mundo na sobrang ligaya mo kahit ang puso mo ay nawawasak na.
“Siguro kahit makalimutan na kita lagi paring ipapaalala sa akin ng lungkot ang iyong pagkawala”
Kahit siguro maka move-on na ako sa ating relasyong hindi na muling mabubuo pa at makalimutan ka ay di pa rin magiging sapat para mawala ang pagmamahal ko sayo. Hindi dahil sa sobrang mahal kita kundi dahil sa mga ala alang nagpapaalala sakin sa mga panahong sinasabihin mo ako ng “Mahal Kita” Pero kahit na ganun susubukan ko pa ring mawala ka na sa aking isipan wag lang manggugulo sakin ang lungkot na minsan ko ng naramdaman.
“Hindi lahat ng nasa relasyon ay masaya. At hindi lahat ng single ay malungkot”
Sadyang maraming tao ang nagsasabing mahirap maging single dahil malungkot at boring hindi ba nila alam ang pagkakaroon ng kasintahan ay nakadepende pa din sa nagmamahalan. Dahil mas maraming nagmamahal na nasasaktan kesa sa nakakaramdam ng tunay na kaligahan. Dahil hindi porket single wala ng karapatang maging masaya at hindi porket taken e wala ng dahilan para di makaramdam ng lungkot.
“Mahirap maging malungkot pero mas mahirap maging masaya kahit nasasaktan kana”
Katulad ng sinasabi sakin ng mahal ko yung feeling na nahihirapan na daw siya at sobrang nalulungkot sa aming relasyon dahil pagod na pagod na daw siya pero ang sinabi ko lang ay sorry at biglang tumawa. Tsaka ko lang nasabi sa aking sarili na mas mahirap pa lang ngumiti at magpanggap na masaya kahit sobrang nasasaktan kana.
“Di ko alam kung anong dapat kung maramdaman, maging masaya ba dahil nandiyan ka pa o maging malukot dahil aalis kana”
Yung pakiramdam na sobrang saya ka dahil ang taong akala mong umalis na ay wala na pero andiyan pa pala para mag-paalam sayo na aalis muna siya pansamantala. Pero nung pagkalipas ng ilang segundo tsaka mo pa lang naitanong sa iyong sarili na kung anong dapat na emosyon ang iyong dapat maramdaman at ipakita. Dahil nalilito ka kung dapat bang maging masaya ka dahil hinintay ka pa o dapat bang malungkot dahil iiwan ka pa din niya.
“Hindi porket iniiwasan na kita hindi kana mahalaga, mahirap lang talaga pumapel sa buhay ng taong masaya na”
Hay ang hirap nga ng ganto no? Yung sasabihan ka ng taong mahal mo na bakit ka umiiwas at lumalayo. Tas wala kang masabi kundi ngumiti at tumalikod na lang ulit dahil di mo masabing mahirap magbigay ng pag ibig lalo na’t kung bawal na dahil meron na siyang ibang minamahal. Pero iwan ko nga ba kung anong tama o mali basta mahirap lang talagang pumapel sa isang tao na alam mo na talagang masaya na diba?
“Wag mong hintayin na mapagod siyang mag-effort para sayo bago mo marealize na mahalaga pala siya sa buhay mo”
Hindi dahil na nasanay ka sa mga ginagawa niya e hindi mo na to bibigyang halaga diba? Kasi baka sa sobrang manhid muna e mabagod na siya hindi dahil sa paulit ulit niyang ginawa kundi dahil ni mo lang naparamdam na tama ang kanyang ginagawa. Tao lang din yan hihintayin mo bang siya na ang sumuko at bumitaw kahit siya na yung nasasaktan? Baka sa bandang huli ikaw rin itong magsisisi.
Maraming salamat sa inyong pagbisitang muli sa aming BlogSilte! Sana marami kayong na gustohang mga Quotes and Sayings! Para mapagpatuloy pa namin ang aming ginagawa suportahan natin tong Blog na ito sa pamamagitan ng pag Like and Share sa aming FaceBook Pages at dito na rin sa Blog na ito salamat! Visit Us On facebook malungkot.com Thanks!