“Mga Dahilan Kung Bakit Iniiwan Ng Lalaki Ang Babae”
Lahat tayo ay may mga pangarap na relasyon yung masaya, walang awayan, walang lokohan at tapat kayo sa isa’t isa. Ngunit bakit nga ba kailangan pa nating iwan ang taong nagmamahal sa atin ng sobra? Upang makahanap ng higit sa kaniya, yung tipong perpekto? wala nun LOL… babaeng maganda? marami niyan. babaeng sexy? tataba rin yan. babaeng flawless? kukulubot din yan. pero babaeng sweet at selosa dahil ayaw niyang mawala ka sa buhay niya? iilan na lang yan kaya kung asasayo na aba wag mo ng pakawalan.
“Pagod na”
Ang mga tao may kanikaniyang personalidad, may mga taong madaling sumuko at may mga taong ipaglalaban ka sa huli. Oo ang mga babae nga naman ay moody ngunit bakit kaya sinabi mo pang mahal mo siya? Kasi ba maganda siya at sexy? Yun naba ang basehan ng pagmamahal ngayon? Yung ganda ng physical kahit ang kalooban ay bulok, maganda nga ang katawan ngunit malaabstract ang personalidad. Oo hindi natuturuan ang puso ngunit mali bang kilalanin mo muna siya bago mo mahalin ng lubusan? Kaya marami ang sumuko kasi narerealize nila na hindi ganong relationship ang pinangarap nila ang buhay na gusto nila at angmundong gagalawan nila.
“Demanding”
Isa sa pinakabad trip na dahilan kung bakit iniiwan ng lalaki ang babae! Kasi nga gusto nila maganda, sexy, at mayaman. Ei hindi naman kagwapuhan, hindi naman mayaman at hindi naman macho kung magdedemand sana be sure na kalevel mo huwag yung napakademanding hindi naman kayo bagay. Oo hindi masamang mangarap pero yung iiwan mo yung girlfriend mo dahil nakakita ka ng mas maganda sa kanya hindi yun valid reason! Shinota mo pa kung itsura lang habol mo sana nag bar ka nalang madami dun promise!
“Natatakot siyang mawala ang kanyang freedom, o nasasakal na siya”
Ang pagkakaroon ng relasyon sa isang tao ay isang responsibilidad at hindi basta basta. Ang pag kakaroon ng karelasyon ay maihahalintulad narin sa pagkakaroon ng asawa sapagkat ipinagkakatiwala natin sa partner natin ang mga bagay bagay kahit hindi tayo sure kung ano ang ending neto. Sabi nga ng matatanda “ang pag aasawa ay hindi tulad ng kanin na kapagnainitan ka ay maari mong iluwa”. Ang point ko dito ay kapag pumasok ka sa isang relationship dapat handa kang harapin ang mga darating na pagsubok. Kung mahal mo handa kang magtiwala at ipagkatiwala ang lahat sa kaniya at handa kang ibigay yung freedom mo. Kaya nagiging mahigpit sila satin: una upang hindi tayo mapahamak, ikalawa upang hindi siya masyado magalala at ikatlo upang hindi ka mawala sa kaniya kasi sobrang mahal ka niya.
“Hindi magkasundo ang personalities, natatapakan ang pride”
Sa relasyon ang pride ay mala-anay na unti-unting sisirain ang tiwala at pagmamahalan ninyo. Sapagkat kung hindi mo kayang isantabi ang pride mo maari talagang hindi kayo magkasundo. Lalo na kung magkaiba personality ninyo at mga gusto gawin kung hindi kaya isantabi ng isa ang pride niya wala talaga patutunguhan. Diba kung mahal mo gagawin mo lahat para mapasaya mo? yan yung mga lines ng mga lalaki nung nanliligaw pa ei bakit hindi ninyo subukang kainin yung pride ninyo upang magkasundo kayo diba?
“Wala nang spark”
Bakit noong nanliligaw palang si boy kay girls ginagawa niya lahat mapaOO lang si girl? Bakit paggirl friend na biglang nagbabago ang trato nila sa babae? Anong meron, at ano ang pinagkaiba dahil ba napaOO mon a? o trip trip niyo lang magtotropa na mapasagot mo siya tas iiwan mon a nagiisa? Napapansin ko lang naman pag nanliligaw sila araw araw may baon silang corny jokes, chocolate, roses at iba pang bagay na sa tingin nila makukuha nila ang loob ni girl. Sabi nga ng matatanda “Ang babae ay maihahalintulad sa bulaklak huwag mon a sanang pitasin kung itatapon mo lang din!” in other word huwag mo ng ligawan kung hindi mo kayang mahalin, at huwag mo ng paasahin sa matatamis moong salita kung iiwan mo lang rin.
“Hindi pa nakakamove-on kay ex”
Bakit kaya kapag tayo ay iniwan ni ex sa iba natin binabaling yung sakit na ginawa nila sa atin? Yung tipong hahanap panakip butas ngunit hindi ung pagmamahal ang naibabaling natin sa kaniya ngunit yung mga hinanakit natin. Bakit kaya ganon ayaw nating masasaktan tayo ngunit nananakit naman tayo ng damdamin ng iba? Diba kung tayo ay nakaranas ng sakit hindi na nating nanaising madama ng iba yung sakit na ating nadama? Kung mahal mo pa si ex move on ka muna before ka makipagrelasyon ulit better than makasakit ka ng iba.
“May mahal na siyang iba”
Bakit nga ba ang mga lalaki ay mahilig mangaliwa? Mahilig kasi sa maganda ei! Mga sexy, at flawless! Bakit bay un ang basehan nila ng pagmamahal nila? Oo maaganda sa paningin, ngunit ano ba talaga yung point ng pagmamahal mo yung masatisfy yung mata mo o yung mapasaya puso mo?
“Sagabal sa education at career goals”
Kung alam mo na hindi mo kayang pagsabayin huwag na sanang ligawan, kesa masaktan mo siya kesa umasa pa siya. Kasi ang babae hindi ka naman sasagutin niyan kung hindi ka nanligaw diba? Bakit mopa ba liligawan kung hindi kayang pagsabayin yung studies at siya? Para saktan lang siya? Bakit ganon? Hobby naba ang pananakit ng damdamin ng iba?
“Walang tiwala sa isa’t isa”
Tiwala isa ito sa pinakamahalagang sangkap sa isang relasyon, sapagkat ang tiwala ay isang way upang mapatatag ang isang relasyon. Kung wala ito maaring ang isang relasyon ay madaling masira. Sapagkat may mga tao na handang sirain kayo upang maagaw ang taong mahal mo paano kung wala kang tiwala sa partner mo? isusuko mona agad siya mo kahit wala kang ebidensya na niloloko ka niya? Lack of trust is equals to misunderstanding.
“Walang time”
Oras mahalaga din ito upang mapatatag ang isang relasyon, ngunit kung hindi mo naman siya bigyan kahit katiting na oras na meron ka aba. Pano mo nasabing mahal mo siya? Kung simpleng txt hindi mo mabigay sa kanya simple date hindi mo siya mapagbigyan at simpleng oras na makapamasyal kayo hindi mo kayang ibigay! in other word effort! Mageffort ka naman
“Salamat sa patuloy na pagsubaybay sa blog site ng kalungkutan, nakakarelate ba yung mga babae at natatauhan naba yung mga lalaking paasa jan? Patuloy lang na abangan para sa mga updates, o kaya bisitahin ang aming FB page malungkot.com”