We don’t  Understand

“Hindi nila maintindihan, kase hindi nila nararamdaman.”

Nasa Punto ako Ng Buhay ko na lahat Ng pagsubok kinaya ko Ng walang tinatapakan tao, lahat lahat kinaya ko Basta maging Maayos lahat kakayanin ko. Sa Buhay natin Hindi mawawalan ang chismis, lahat Ng Lugar meron niyan. Lahat ng panghuhusga nasabi na nila pero hindi nila alam kung ano nga ba ang totoo, Hindi nila alam kung gaano ka nahihirapan sa buhay ang alam lang Nila kung ano Ang kapintasan mo sa Buhay. 

Mahirap din magtiwala sa iba lalo na kung Hindi mo sila gaano kilala. Sobrang hirap na mag tiwala sa tao sa panahon ngayon marami Ng manloloko at hindi mo alam kung may gagawing matino. Sa kaibigan at pamilya Ang hirap din mag tiwala Lalo na kung may mga bagay, Kang ginawang Mali lahat Ng panghuhusga nasa isip na nila pero,  hindi nila alam kung ano nga ba ang tunay nangyayari sa Buhay mo. 

Nasa tabi mo lang sila pag may kailangan pero pag Wala ka Ng maibigay Wala ka Ng kwenta, minsan mapapaisip ka na lang saan ba ako lulugar sa mundong to. Ang dapat lang nating gawin ay mag patuloy sa mga dapat nating gawin, hindi tayo makakarating sa ating pupuntahan kung mag paapekto ka sa mga taong Wala naman maitutulong sayo.