Wrong decisions
if I only knew that you would leave me, I wish I had never let you into my life in the first place.
Marami talaga tayong problema sa buhay, Tulad ng hindi pagkakaugnay ugnay ng mga desisyon. Hindi mo alam mali na pala, pero tinutukoy mo pa. May mga bagay na mahirap ipaliwanag kagaya ng pag ibig, hindi mo makikita ang kahulugan kung hindi mo nararamdaman.
Parte ng buhay ang pagkakamali, dahil kung hindi ka nagkamali wala kang nalagpasan na pasanin. Napakalawak ng mundo pero pinili mo ang isang taong kayang kaya kang iwan at saktan. Isa yan sa naranasan ko Sana hindi na lang.
Tunay nga nasa huli ang pagsisisi ngunit ano ba dapat ang tunay na mangyayari? Hindi ba dapat kailangan lang natin tanggapin ang mga hindi na ari dahil wala na din namang mangyayari.
Sa buhay na puno ng pagsisisi, hindi Naman kailangan manatili kung agad mo lang sanang sinabi hindi na Sana umasa ng matindi, hindi man lang nagpaalam kusa na lang hindi nagparamdam, sana’y iyong maintindihan aking nararamdaman. Kay hirap mag isa lalo na’t maging masaya kahit alam ko na asa piling ka na ng iba.
Sinisisi sa’yo ang mga nangyari dahil kung hindi ka nga dumating sa buhay ko Sana hindi na lang natin tinuloy to. Mahirap mang tanggapin sakit ng dulo’t mo sakin, hindi ko Naman kayang hilingin na bumalik ka dahil ayaw ko na rin. Minsan sa buhay natin, may mga tao tayong hindi dapat tanggapin. Marahil hindi talaga siya dapat saatin.