Hugot Lines “EROPLANO”


Hugot Lines “EROPLANO”

Bakit nga ba eroplano ang napili kong topic? Ganito lang kasimple… “Maraming tao ang umaasang hindi sila iiwan ng taong mahal nila sa ere.. kaya nga balang araw kapag ako ay yumaman balak ko sana bumili ng eroplano.. bakit? Kasi gusto ko sunduin yung mga taong iniwanan sa ere… hindi para saktan sila muli kundi para tulungan silang makalimutan ang sakit ng iwan…

Hugot Lines "EROPLANO"
1 Masakit maiwan ng eroplano, pero mas masakit noong iniwan mo ko para sa iyong bago.
Hindi naman sa bitter ako, perohindi ba kaawa awa naman yung mga taong pinaasang hindi iiwan na aaalagaan daw at may mga pangpasakit pa lalong mga pangako na hindi naman tutuparin.. ok lang naman makipagrelasyon… huwag nalang mangangako, kung ikaw mismo sa sarili mo hindi mo pa kaya buhayin sarili mo.

2 Yung love story natin parang flight ko akala ko delayed lang yun pala cancelled na.
Huwag masyadong umasa sa taong hindi ka mahal, lalo na kung babae ka… kasi dapat huwag kayong mauunang magbigay ng motibo… hayaan mo siyang gumawa ng unang hakbang… kasi masyado unfair ang pagtingin nila sa ganun… kapag lalaki ok lang kapag babae malandi na agad… kung talagang gusto mo naman try mo magayos, be nice hindi be naughty… kasi ang mga lalaking naaattract sa mga babaeng naughty ay mga fuck boy… pero kung hindi parin makuha sa pagaayos at pagiging outstanding student sa school hayaan mo nalang siguro hindi siya yung para sayo wait kalang darating din yung lalaking aalagaan, papahalagahan at mamahalin ka gaya ng pagmamahal na kaya mong ibigay.

Hugot Lines "EROPLANO"
3 Buti pa ang kalansing ng nalaglag na piso, buti pa  ang ugong ng dumadaang eroplano naririnig mo ei yung  tibok nang puso ko, binabalewala mo.
May mga pagkakataong hindi na dapat ipilit pa ang iyong nadarama sa kanya.. lalo na kapag pinapakita niyang balewala ka nalang sa kaniya.. Hindi naman kasi lahat ng gusto natin gusto rin tayo… Masakit man pero dapat tanggapin.. kaya Move on nalang… kasabihan nga ng mga girl kapag nabroken sila “Never say die, tomorrow is another guy” hahaha char lang…

4 Simple lang ang pangarap ko sa buhay ang makasama ka, alagaan ka at mahalin ka… habang minamahal mo rin ako… simple nga… IMPOSIBLE NAMAN
Hindi lahat ng pangarap kayang abutin ngunit ito ang nagiging way upang makita natin kung ano talaga yung nakalaan para sa atin.. at sa pamamagitan nito nakikita at nalalaman natin yung mga limitations natin.. ganun din sa love life… hindi lahat ng dream boy dream girl mo magiging sayo… me mga pagkakataon talagang hanggang pangarap ka na lang… kaya huwag ipilit ang mga bagay na simple pero imposible.

Hugot Lines "EROPLANO"
5 May mga tao talagang hindi para sa isa’t isa…. ang masakit lang “Bakit pinagtagpo pa sila?”
Bakit sila pinagtagpo? I guess upang matuto at magging mas matatag hindi naman kasi lahat ng bagay puro nalang ginhawa at saya.. kailangan din nating masaktan, walang thrill ang buhay kung puro saya nalang hindi mo masasabing naenjoy mo ang buhay mo kung hindi mo naranasan ang lahat ng ito.

 

6 Nakita ko kayo ng bago mo, parang noong first time kong sumakay sa eroplano nakakasuka.
Normal lang ang maging bitter kapag nasaktan, lalo na kung ang dahilan kaya ka iniwan ei may iba na sya… dib a nakaakasama nang loob yung tipong me iba ka rin naman pero di mo sya iniwan 😀 char lang… Kaya kayo kapag nakita niyo na ang ex niyo na Masaya na sa bago niya dapat maging happy ka isipin mo mukang clown yung kasama niya kaya siya Masaya 😀

Hugot Lines "EROPLANO"
7 Pwede mong tanawin ang nakaraan. Pero hinding hindi mo na pwedeng balikan.
Yeah agree much, bakit mo pa ba gagawin ang isang pagkakamali kung alam mong mali? Bakit mo babalikang ang nanakit sayo kung nagawa ka nitong saktan? Normal lang naman magpatawad pero ang magging tanga? Nako po hindi normal yan…

8 Buti pa yung travel mo kaya mong planuhin ei ako kaya? kelan mo paplanuhing mahalin?
Huwag aasa sa taong hindi mo sure kung gusto ka, hindi magbaka sakali ngunit kung hindi ka talaga niya trip hayaan mo nalang huwag mo nang ipagpilitan ang sarili mo sa taong WALANG BALAK.

Hugot Lines "EROPLANO"
9 “ULAP” makikita sa kalangitan. Parang yung taong gusto mong mahalin, abot tanaw ngunit hindi abot kamay.
Ayun nga as I said earlier hindi lahat ng gusto or mahal mo makukuha mo or hindi ka magagawang mahalin the way you love them. May mga tao kasing hanggang pagkakaibigan lang ang kaya ibigay at hindi na hihigit pa ditto.

10 Eroplano uri ng tansportasyong dadalhin ka sa malayo. sing layo ng mga pangarap ninyo sa isa’t isa, tulad ng mga pinangako niya: mamahalin at aalagaan, hindi sasaktan at hindi iiwan. Pero nasaan na siya? Nandoon sa malayo. hindi ka kasama, iiwan ka din pala.