Spoken Word Poetry


Spoken Word Poetry (Tagalog)

Sawi ka ba sa pag-ibig?
Wala ka bang love life?
Magbasa ka na lang ng mga quotes at malaliman pero makahulugang tulang ikini-kwento o mas kilala na spoken words poetry, gaya ng mga ito….

"Sana all"

“SANA ALL”

Ni: Mr. Writes


Kumustahin niyo naman kaming mga single

Taga-sana all na lamang ba kami forever

Hanggang ngayon umaasa sa relasyong may label

Sana all talaga pine-flex sa fb at twitter

Sooner or later, gusto rin naming maranasan

Yung pakiramdam ng kinikilig kapag binabanatan

Yung tipong mapapangiti na lang nang biglaan

Kahit pasmado aking kamay ay kaniya pa ring hahawakan

Paranas naman ng inaalagaan,iniingatan—

at sinusuportahan

Baka naman?

Paranas ng pinagpupuyatan nang ako yung dahilan ng kaniyang mga muta

Naglalakihang mga eyebags at tigyawat sa mukha

Yung magkasama sa profile, kulang na lang ay jowa

Gusto ko ring maalayan ng tula

Hindi yung palaging ako ang gumagawa

Sana all may LSM sa umaga

Na kahit hindi ka na magkape at almusal busog ka na

Buti kapa binibigyan ng tsokolate at rosas na pula

Ehh kami ngang mga single umaasa lang sa baon ni mama

Pa-tag-tag pang nalalaman, kami nga tamang share lang habang scroll down

Gumagala sila kasama jowa, heto kami nasa home town

Paranas naman ng bina-bio

Wala na bang may balak diyan?

magrereklamo na’ko kay tulfo

Wala bang magagalit d’yan 

hindi ko kakainin yung tanghalian ko

Babayaran ko na lang ano wala pa ring may gusto?

Sabagay hindi naman ako jowable

Ako nga itong palaging olats na palaging nafo-fall

Marupok sa banatan bigyan niyo ‘ko ng honor

May sakit akong marupokinism stage four

Oh edi sana lahat hinahabol

Kaya tol kung single ka man at walang pumapatol

‘Wag kang magmaktol

Kung hindi ka crush ng crush mo

P’wes ‘wag kang maghabol

At sumigaw na lang tayo ng “SANA ALL” 💖

 

Spoken Word Poetry About Love

"Mahal Pa Rin Kita"

MAHAL PA RIN KITA

By:Hazel cadlawon

Naalala mo pa ba?

Noong tayo pa dalawa ang nagsasama?

Noong panahong masaya pa tayong dalawa?

Noong ako at ikaw pa?

Noong wala pa siyang sagabal sa ating dalawa?

Sakit isipin na mas masaya kana sa kanya

Alam ko nang hindi na maiibalik ang nakaraan

Ngunit maari bang buuin ang pagmamahal na naudlot sa atin?

Kay sakit isipin na umiiyak ako nang patago 

samantalang kayo ay masayang nag lalaro?

Alam kong ito’y katangahan ngunit nais kong 

sabihin sayo na mahal pa rin kita kahit na may mahal ka nang iba

Pero wala akong magagawa kung talagang pipiliin mo sya 

dahil mas mahal mo siya at sa kanya ka sumasaya

Hindi ko man kayang isipin

Hindi ko man kayang tanggapin

Hindi mo man ako kayang mahalin

Ngunit nandito parin ako sa tagpuan natin

Na pilit ibinabalik ang mga masasayang araw na kasama ka.

Saksi ang lugar na ‘to sa pagmamahalan nating dalawa,

Saksi ang lugar na ‘to sa mga luha na pumapatak galing sa aking mga mata,

Saksi ang araw, buwan. bituin hangin at ulan sa lahat ng sakit at hinagpis,

Saksi ito sa kwento nating dalawa ngunit ngayo’y wala na,

Pero kung iiwan ka man niya,

alalahanin mong narito ako naghihintay lamang sa pagibig mo,

at handang mahalin ka buong puso ko kahit masakit na

Magmamahal pa rin sayo kahit may iba na

Pero sa ngayon ipagdarasal na lang kita

At aking minimithing minamahal salamat at 

paalam na hanggang sa muling pagkikita.

 

Spoken Word Poetry 2019

 

"Pinalaya Kita"

PINALAYA KITA

By: Chezca Musni


Isang masakit na salita

Na naging dahilan kung bat ako lumuha

Yung tipong ayoko sana

Kaso yun lang ang paraan para mapasaya ka

Ayokong mang iwan

Ayokong sirain ang nabuong pagmamahalan

Gusto rin kitang ipaglaban

Pero hindi ko kaya kase ako din naman ang magiging talunan

Totoong mahal kita

Pero anung silbi ng mahal kita kung mahal mo siya?

Pano magiging matatag ang tayong dalawa

Kung may nabuo narin na “kayong dalawa”

Asan na yung mga pangako mo?

Bat bigla ka nalang nagbago

Akala ko ba kahit anung mangyari hindi masisira ang tayo?

Pero bat ngayon merong nabuong kayo?

Mahal kita higit pa sa sobra

Oo totoong nasasaktan ako kase mas pinili mo siya kesa sa tayong dalawa

Pero mahal, pinalaya kita

Kase nga gusto kung maging masaya ka

Pero hindi ko din naman maiwasan

Na minsan bumabalik saakin ang alaala ng ating nakaraan

Na ayoko sanang mabalikan

Kaso paulit ulit bumabagabag sa aking isipan

Andaming tanong na nabubuo sa isip ko

Pero isa lang ang gusto kung iparating sayo

Sana hindi ka nalang pumasok sa buhay ko

Kung wawasakin mo lang pala ang puso ko

Tanggap ko na

Pero sana maintindihan mo rin ang aking nadarama

Kase sinaktan mo ko ng sobra

Pero pinili ko paring saktan ang sarili ko para lang mapasaya ka.

 

 

Thank you for reading. SANA ALL nagbasa. lmao
Para sa iba pang sad quotes at patama line, basahin ang iba pang mga post.

 

 

(Visited 44 times, 2 visits today)
loading...