Top 10 Best Sad Quotes Ever


Sad Quotes

Sadyang maraming nakararamdam ng sakit at dusa lalo na dahil sa pag-ibig? Bakit pa nga ba natin to kailangan maramdaman? Diba masarap magmahal pero bakit kailangan pang merong masaktan at masugatan na mga pusong ang tanging alam lang ay magmahalan? Ang hirap ng ganto bakit di ba pwedeng walang ganto? Nagmamahal lang naman tayo para maging masaya at hindi para maging Tanga diba? Pero siguro kailangan pa rin nating masaktan para mayroon tayong matutunan dahil kung walang sakit di natin nararamdaman ang sarap, kung walang galit di natin mararamdaman ang pagmamahal. Dahil diba minsan ang galit ang nagsasabing mahal kita dahil dito ko napapadama kung gano ka kahalaga?

Best Hugot Tagalog Sad Quotes ~ Please Enjoy!
~ kews

Tagalog Sad Quotes

“Sana alam mo kung gaano ko katagal hinawakan ang salitang “kaya ko pa” bago ko binitiwan ang salitang “ayoko na”

Sa isang relasyon talaga hindi mawawala yung mga taong magagalit at magtatanong kung bakit sumoko na ang katuwang nila? Kung kelan pang naubos na ang pagmamahal niya
sayo dahil sa ilang ulit mong pag wasak sa pusong walang ginawa kundi mahalin ka tsaka ka lang magsasabing “wag at ayaw kung mawala ka” pero ang tanong inalagaan mo
ba? Sana naisip mong, kung gaano niya katagal tiniis ang mga sakit na pinadama mo sa kanya tsaka bago niya sabihin yung mga salitang ayoko na.

“Yung akala mong minahal ka niya pero hindi pala”

Ang sakit sigurong makaramdam ng ganto. Yung pinilit mong hindi mag assume pero pakiramdam mo talagang merong something siyang nararamdaman para sayo hanggang sa
pagtagal ng panahon ikaw na yung nahulog sa kanya at wala ka ng magawa kundi mahalin mo siya, pero biglang nalaman mong meron na pala siyang iba matagal na at ang
pinang hahawakan lang niya pala para sayo e yung inyong pagkakaibigan.

“Yung sabihin nilang pabayaan ko na yung taong mahal ko dahil meron ng iba”

Oo masakit man isipin at tanggapin pero diba aasa at aasa ka pa din? Hindi porket hindi mo siya kayang bitawan dahil manhid at makasarili ka kundi nagmamahal ka lang
talaga. Tama naman diba? Nagmamahal tayo dahil mahal natin ang sarili natin, minamahal natin sila para mahalin din nila tayo kasi alam nating yun ang makakapagpaligaya
satin. Wala namang masama dun dahil magkakaiba naman talaga ang explanation ng Love diba? kaya magkakaiba tayo ng paniniwala isa lang ang parehas yun ay magkatulad lang kayong “nagmahal”.

Sad Tagalog Quotes

“Dahil sa bawat pag iwas mo sa taong mahal mo, maraming pwedeng magbago na maaaring pagsisiha mo”

Kung magmamahal ka ibigay mo yung lahat ng kaya at pagmamahal mo sa kanya. Kasi mas ok ng binigay mo ang lahat kahit mag break kayo kesa naman wala kang ginawa kaya natapos ang relasyon niyo. Diba mas masakit yun? Dahil kung alam mo naman binigay mo ang lahat lahat para sa kanya diba maiisip mo na ginawa mo yung parte mo ng tama dahil mahal mo siya hindi yung pababayaan mo lang siya hanggang sa magkahiwalay kayong dalawa.

“Ang sakit isiping di ka mahal ng mahal mo, pero mas na dagdagan pa yun yung nalaman mong mahal ka ng bestfriend mo pero hanggang kaibigan lang talaga ang turing niya
sayo”

Yung kaibigan mong pilit na pilit kang ilapit sa crush mo at para madiskartehan muna, pero nung bandang huli at na busted ka nung taong crush mo tsaka naman umamin yung besfriend mo na mahal na mahal ka din niya kaso wala kang magawa dahil di mo kayang tanggapin ang pagmamahal niya sayo dahil kaibigan lang talaga ang tingin mo sa
kanya. Tas pagkatapos ng araw naisip mong ang sakit-sakit ng puso mo dahil sa nangyaring pang ba-busted sayo ng crush mo at biglang sumagi sa iyong isipan yung taong
laging nandiyan sayo para tulungan ka ay ganun din ang nararamdaman pero di mo masuklian ang kanyang nararamdaman.

“Naki pagbreak ka kasi pinagsawaan muna siya, tas iiyak ka dahil kailangan mo pala ng pagmamahal niya”

Sa mga lalaking ang habol lang ay sex, kapag nakatagpo kayo ng babaeng ibibigay sa inyo ang lahat kahit alam niyang ganun lang ang habol mo pero di siya mag aalangan at ibibigay niya lang lahat lahat ng meron siya dahil sa pagmamahal niya sayo. Paglipas ng ilang buwan Iiwas kana dahil may nakita ka ng iba at sawang sawa kana sa
katawan niya at ang sinabi niya lang sayo na “Mahal kita kahit iwan mo ako” pero pinabayaan mo lang siya hanggang sa nakarami ka ng babae at sex pero makakaramdam ka ng parang may kulang. Tsaka mo na lang naisip na ang tunay mong kailangan ay yung pagmamahal at hindi pandaliang sarap lang, kaya naisip mo siyang balikan pero meron ng nag mamay – ari sa kanyang iba at wala ka ng magagawa dahil alam mo sa sarili mong puros pananakit lang pinaramdam mo sa kanya hanggang ang kaya mo na lang sabihin
at banggitin habang umiiyak ay ang mga salitang “Hindi ko kayang mawala ka dahil mahal kita” pero tama na dahil masaya kana sa piling ng iba.

Sad Quotes

“Pag tinanong ka ni crush mo kung crush mo siya? Ano ang isasagot mo? yung katotohanan o yung kasinungalingan”

Para sakin ang isasagot ko e yung crush ko siya, dahil kesa namang itago ko pa edi lalo lang walang mangyayari. Pero kung nahihiya ka naman pwede namang sabihing Oo ikaw ang crush ko sabay “Tawa” diba? kahit hindi niya masyadong seneryoso at least na sabi mo at meron siyang konting clue kung mahal mo ba talaga siya.

“Umiyak ka hanggang gusto mo, pero kapag ikaw ay tumahan na, siguraduhin mong hindi ka na iiyak ulit sa parehong dahilan dahil ang tawag na diyan at katangahan”

Once na umiyak ka dahil sa mga ginawa niya sayo ok lang yun, basta dapat matuto ka kung anong dapat gawin sa susunod diba? Kesa naman yung alam mo na ngang ganun ang mangyayari pinabayaan mo pa tas sa bandang dulo luluhaan mo ulit.

“Ang pag-ibig ay sadyang mapanlinlang dahil akala mo meron yun pala guni-guni mo lang”

Kaya sa susunod na mainlove ka wag kang masyadong mag assume dahil baka dahil sa kaka assume mo di mo alam na pinapahirapan muna ang sarili mo diba? Basta ang lagi mo lang gawin be possitive pero walang aasa, pero syempre dapat iniisip mo pa ding maaari diba 🙂 ?.

“Yung pagmamahal mo sakin parang ang pag bayat ko “Malabo” haha ”

Yung alam muna ang magiging resulta ng iyong pagmamahal sa kanya kung ano na bang lagay, pero wala kang magawa dahil kahit ganun di mo matanggap na mahal mo pa din
siya kahit sobrang sakit na. Hanggang sa kinausap mo na lang ang sarili mo at biglang banat ng mga hugot na nararamdaman mo para sa kanya.

Maraming Salamat sa lagi at malakas ninyong pagsuporta! At dahil diyan lalo pa kaming nagaganahang mag sulat ng iba’t ibang mga akda na tiyak na makakakuha ng inyong pansin at siguradong magugustohan ninyo! Please Like and Share Thanks!