Nakaranas ka na bang pumasok sa isang relasyon na puro kaligayaha ang hatid sayo simula nang naging kayo, pero tulad ng iba, napapagod rin hanggang sa marating ang dulo? Lumaban ka ba, kung siya mismo pinaparamdam na nagsasawa na siya? Kakapit ka pa ha kung ang pagkakahawak niya mismo sa’yo ay nadudulas na? Ito ang tula para sa mga taong katulad mo, hindi na alam ang gagawin sa relasyon niyo. Aasa ka pa ba, kung siya mismo, sumusuko na?
Nilalamig na ako, pero umaasa pa rin akong hanggang dulo, tayo.
Kunwari, yung relasyon, matatag pa
Kunwari, katulad pa ng dati ang nadarama
Kunwari, totoong masaya pa
Pero hanggang kunwari na lang ba talaga?
Mahal kita, simula pa noon
Pero di tulad mo, ganun pa rin ito hanggang ngayon
Alam kong sa atin, marami nang nagbago
Pero kailangan bang kasama yung atin at yung tayo?
Wala na ba talaga?
Kasi ramdam ko, bibitaw ka na.
Hindi ka na ba talaga kakapit pa?
Sabihin mo sana sa akin ng direkta.
Nandyan ka pa,
Pero parang wala ka na
Kasama nga kita,
Pero yung atensyon mo nasa iba.
Aasa pa ba ako, o tulad mo, susukuan na lang ang tayo?
Hindi masamang magsabi kung nagsasawa ka na. Ang masakit, nagsasawa ka na, pero pinipilit mo pa. Hanggang sapilitan na lang talaga.
Kung may momento ka ng pagsasawa na nais ibahagi, kwento ng lungkot at pighati, pwede mong i-share sa amin! Mag-comment down below and stay tuned to malungkot.com for more kalungkutan updates.