Nakakasawa ng iparamdam ang halaga mo sa iba
Tama na
Hindi ko sinasadya,
magkamali na lang bigla
Iniwan ng parang bula
Ang sakit-sakit alam mo ba?
Ikaw ang nababaliwala
Presensya mong wala ng halaga
Nakakapagod palang mag-isa
Hindi mo ba ako nahahalata?
Sabagay wala naman akong ginagawa
Kaya ako ay minamata mo na
Nakakasawa na, ayoko na
ako ay napabayaan mo na
Magaling lang kapag ikaw ay kinailangan na,
Mapagpanggap, Mag- approach ng parang wala lang ang lahat.