kaibigan mong mapanira

@know your worth

 

Be yourself

Kaibigan, Hindi ko alam kung paano ba sisimulan. 

Kinakain ng sistemang walang kasiguraduhan

Kinukumpara ang sarili sa taong wala naman kaalam-alam

Pilit mang iwaksi sa aking isipan

Itsura pa lang, wala na akong laban

Magpapanggap na parang wala ng pakialam

Handang makipagtagisan masira ka lamang 

Atensyon mo lang naman ang aking kailangan

pupurihin na parang walang natatapakan

kikilalanin katulad mo na ganun nalang

tatapon ang pinagsamahan ng kay tagal

magpapakilala sa walang ka kwentang-kwentang dahilan

bangungot ng ating nakaraan

hindi na dapat ginagawang daan

pinangarap na inaasam

ngayon hanggang dito na lamang

nakakasawa din palang maging tambalan.