Masakit pala ang umaasa
Akala ko noon ito ay hanggang kaibigan lang
Masaya ako na kasama ka sa bawat oras at araw na lumilipas
At mag kasamang kumakain nang paborito nating
kwek-kwek at tokneneng.
Oo simpleng bagay lang ay masaya na ako basta’t kasama ka
At sa oras na ako’y may problema ay laging nandyan ka
Pero sa kabila ng aking saya yon pala ay pansamantala
Nang nakilala mo sya mundo mo’y biglang nag iba.
Masakit pala dahil ako’y umasa, Umasa na kala ko’y
Ikaw at ako lang ay sapat na
Ngunit hindi pala nag bago ang lahat at ngayon ako ay nag-iisa na.
-August 27, 2024