Best Tagalog Sad Quotes and Sayings about Love and Pain
Dahan- dahan ka na ngang sinasaktan biglaan ka pang iniwan!
Bakit may mga tao talagang iiwan ka din pag katapos ng lahat ng inyong pinagsamahan , yung tipong sakanya na lang umiikot ang mundo mo pero sya nagagawa kapang saktan at iwan ,!
Bakit may mga taong hindi makontento sa anung meron sila !??
“Mahirap maging masaya lalo na kung masaya yung taong ginago ka!”
Bakit may mga taong kahit alam nilang may masasaktan sila ,ok lang sakanila basta maging masaya lang sila !
Bakit ang hilig nila mangako ? Pangakong di ka nila iiwan, pangakong ikaw lang, pangakong walang kasiguraduhan ! Pangakong hanggang salita lang na di naman kayang panindigan. Tapos sa huli iiwan ka din naman na parang wala lang lahat ng inyong pinagsamahan. Bakit sila nangangako na hindi naman kayang panindigan? Pangakong sa umpisa lang, dahil ba masaya kayo sa umpisa? Dahil ba akala nyo ang relasyon nyo ay perpekto na, tapos pag dating sa dulo mawawala lahat sa isang iglap .
Sabi nila mahirap kalimutan ang naging parte ng buhay mo, lalo na kung sobrang minahal mo sya, dahil hanggat di mo binibitawan, hanggat ikaw ay nakakapit pa din sa nakaraan , hanggat di mo pa nililimutan lahat ng nasa nakaraan , babalik at babalik ng kusa yan , ikaw lang din mahihirapan at masasaktan.
Di mo kailangang sayangin ang oras at luha mo para sa taong di ka kayang pahalagahan. Isipin mu muna kung worth it ba talaga sya sayo .Bakit mo iiyakan ang taong ang ginawa lang ay saktan at iwan ka .Isipin mo yung mga bagay at oras na sinayang mo para sa kanya na hindi nya napahalagahan. May mga bagay na dapat ng kalimutan para hindi ka na masaktan . Mga bagay na di mo na kailangan isipin para di ka na maguluhan.
Hindi ko alam kung ano ba itong nararamdam , pakiramdam na parang akoy iyong babalikan. Umaasa na darating ang araw na ako pa din at walang iba. Naghihintay sa panahong muli tayong magsasama . Tama bang umasa pa o patuloy na magpapakatanga sa pag-asang babalik ka pa ? Kelan kaya ako mapapagod sa kakahihintay sa bagay na walang kasiguraduhan .
Laban o paalam ? Salitang gumugulo sayong isipan ? Laban dahil nanghihinayang ka inyong pinagsamahan ? Laban dahil sya pa rin ang iyong mahal ? Laban dahil di mo sya kayang iwan at kalimutan?
O paalam dahil di mo na kaya, di mo na kaya ang patuloy kang kumakapit sa kanya pero sya ay parang itinataboy kana .
Bakit ang hirap kalimutan ng taong minsan nang naging parte ng buhay mo . Isang taong labis na nagpasaya sayo? Bakit ? dahil umaasa ka pa sa taong iniwan kna ? iniwan ka kasi may nahanap na syang iba . naghanap sya dahil hindi sya makontento sa isa . Bakit kumakapit ka pa ? Naisip mo ba lahat ng ginawa mo, ang ipaglaban sya hanggang dulo pero sya ang unang sumuko !
Bakit kung sino pa ang sobrang magmahal ay sya pang iniiwan ? Tipong ginawa mo na ang lahat para sa kanya,tapos iiwan ka lang na parang wala lang. Dahil ba sa sobrang pagmamahal na binigay nya para sayo , kaya mo nagawang lokohin sya . Dahil sa alam mo na mahal ka nya at madali lang na patawarin ka . Di pa ba sapat yung sobrang pagmamahal para magStay ka at para di na humanap ng iba.
Ang tunay na pagmamahal , hindi napapagod . Kung tunay kang mahal kahit ano pang hirap ang pagdaanan nyo o ano pang pagsubok ang dumating sa inyo , kaya niyong lagpasan dahil pareho kayong lumalaban. Walang susuko dahil alam nyo na lahat ng iyon ay kaya niyo.
Thanks for visiting malungkot.com. Hope you enjoyed reading our quotes! Please like and share- Thanks!