Bigla nalang nagbago, kaya unti unti na siyang naglaho.
Sa mundong ito ay walang permanente, lahat ay nagbabago. Kaya ikaw sulitin mo, huwag mong sayangin ang oras mo sa taong hindi ka naman gusto. Kung ayaw sa’yo iwanan mo, humanap ka ng mas magpapasaya sayo, hindi yung tao na puro lang sakit ng ulo ang ibibigay sayo. Akala ko noon hindi ka magbabago, akala ko noon ikaw na yung tunay na ang nakikita ko sayo, nagkamali ako, may iba kapa palang tinatago na hindi magandang paguugali. Noong una napakabait mo pa sa akin, pero noong tumagal na tayo ay wala na, puro sama nalang ng loob ang iyong binibigay sa akin, napakamanhid mo pa, hindi mo alam na ako ay nasasaktan mo na.
Nawala na rin ang respeto mo sa akin, pero ayos lang yan, hindi ko kailangan magpakulong sa kalungkutan. Kahit nag iba kana, kahit na hindi na ako ang gusto mo ay ayos lang sa akin dahil hindi lang naman ikaw ang tao sa mundong ito napakarami pa, hindi porke’t mahal kita eh hindi na rin kita kayang iwan dahil hindi lang isang beses nangyari sa akin ang bagay na ito, kaya masasabi kong sanay nako mawalan, sanay na akong iwanan, sanay na akong ipagpalit sa iba kaya para sa akin ay hindi kana rin talaga kawalan. Kaya kong mag isa, kaya kong maging masaya kahit hindi ka kasama, dahil kung ako ay nalimot mo, mas kaya ko rin hindi na lang magmamahal ng tao kung kagaya mo rin, at sa tingin ko ay hindi ako nagkulang, hindi ka lang nakuntento.