Gusto kita, Gustong Gusto!
Bakit ba pagkasama kita ako’y nahihiya di ko maipaliwanag ang nadarama, mahal na nga kaya kita?
Bakit ba gano’n unti-unti nang nagbabago ‘Yung dating ikaw at ako para bang mas naging klaro.
Ang pagtingin ko sayo ay di ko na maitatago, nahulog na talaga ako sayo kaya ako ganito
Dahil sayo ang buhay ko’y nagbago, kahit pa sabihin na lahat ng to ay Malabo.
Gusto kita pero parang ang hirap hirap mong abutin.
Gusto kita pero parang napakaimposible na ika’y maging sa akin.
Kase si ikaw ay hindi pinapansin si ako, kaya kahit anong gawin,
Kahit balibaligtarin natin ang mundo ay malabong maging tayo.
Pero Madalas ako ay nasa isang gilid lang, habang ika’y pinagmamasdan
Hindi mo lang alam na napakaganda ng tanawin dito sa aking kinakatayuan.
As in, sa tuwing makikita kita, nabibighani parin ako,
Para bang sa tuwing makikita kita ay nalalove at first sight parin ako sayo.
Araw araw akong nagdadasal na sana ako naman ay mapansin mo.
Araw araw ding umaasa na sana isang araw ako naman ang magustuhan mo.
Kase hindi ka lang basta maganda, napakabait at napakasipag mo rin,
Kaya hindi na rin ako magtataka kung bakit maraming nagkakagusto sayo.
Mula noong makilala kita ang pananaw ko ay nagbago,
Di tulad kay Imelda papin ang pagibig na galling sakin ay higit sa isang linggo
Dahil ako ay isang taga lupang nangarap ng mataas at ikaw ay isang diwatang mapagkumbaba
Ano kaya ang mangyayare sa wakas, tayong dalawa kaya ay magkikita sa gitna?