FriendZone: Kaibigan mo noon, Kaibigan mo parin ngayon.
Minsan may dadaan talaga sa buhay naten na, magsasabi ng salitang “kaibigan lang ang tingin ko sayo”. Masisisi ba naman naten ang ating mga sarili kung mahulog ang loob naten sa kanila? Napakarami na saten ang nakaranas ng ganito, yung tipong kaibigan mona siya tapos bigla kana lang maiinlove. Pero ang mainlove sa kaibigan ay nakakatakot, bakit? Dahil baka masira ang pagkakaibigan niyo, yung dating kumportable sa isa’t isa ngayon ay nagiging awkward na.
Pero at the same time ay napakasarap mainlove sa isang kaibigan, dahil kilalang kilala mo na siya hindi kana mahihirapan sa pag aadjust kung sakali mang maging kayo. Kaso madalas ay talo ka dahil malamang sa malamang ay masasabi niya sayo ang salitang kaibigan lang kita na ang katumbas ay ang salitang “sorry hindi kita gusto”. Once na sabihin nila ang salitang yan ay dapat nating irespeto ang magiging desiyon ng ating mga nagugustuhan sapagkat wala na tayong magagawa kundi tanggapin ito.
Mahirap man pero kailangan nateng tanggapin ito, lalo na kapag may mahal na silang iba ay mas mababa na ang tyansa nating mga nasa Friend Zone. Pagsisihan mo nalang talaga ang ginawa mong pag amin na gusto mo sila. Pero ganun pa man ay huwag tayong mawalan ng pag asa, dahil kung seryoso ka talaga sa kaibigan mo nayan ay huwag tayong tumigil sa pageeffort maliit o Malaki man na bagay yan ay gawin naten ang lahat, pasayahin naten sila, tulungan naten sila kung nahihirapan sila, huwag tayong tumigil na pagsilbihan sila. Alam kong hindi ito madali para sa marami, pero wala namang mawawala eh, kaya galingan niyo! Mahuhulog din yan at kung hindi naman ay at least naging Mabuti kang kaibigan sa kanya.