Relasyong hindi mo inakalang matatagpuan ang dulo? Hahantong sa huli na hindi nakaplano mula noong simula. Basahin ang mensahe ng pagkasawi na naranasan sa piling ng isa’t isa.

Kailangan nang isuko, para sa mga bumibitaw na puso.

Tayo’y nagkakilala

Nagustuhan ang isa’t isa

Akala ko ikaw na

Yun pala,

Pinasaya mo lang akong talaga

Hindi ko itatanggi 

Ang saya sa bawat pagsasama

Mga momentong hindi ko mabura

Tulad ng ngiti ko sa tuwing kasama ka

Hindi ko akalain hahantong tayo dito

Buwan ng Disyembre

Sa isang cafe

Tayo lang dalawa

Romantic sana

Kaso di na tulad noong una

Na puro saya

Ngayon puro pighati na

Kasing-lamig ng panahon

Ang kahantungan ng ating relasyon

Dahil ngayon na nangyayari

Ang hulang usapan natin

Na magtatapos kung ano mang meron sa atin

Na hindi na magtatagal pa

Kung sa pag-uusap nating ito

Kung ito ang magiging huli

Matatapos na ang lahat.

Hindi nakaplano pero iyon ang madalas mangyari sa mga relasyon. Inakala mong magiging masaya mula sa simula at hindi na magtatapos pa, pero hindi iyon ang nangyari. Kailangan nang isuko, para sa mga bumibitaw na puso.

For more blogs, visit malungkot.com

Enjoy and feel my pain 🙂