Kapag hindi na niya nakikita ang iyong halaga, Iwan mo na!
Pag-ibig ay napakasarap, yan ang sabi ng karamihan,
Pero kapag hindi ka na mahal ng isang tao, you need to let go, huwag mo nang ipagpilitan.
Yan ang mga natutunan ko sa mga nakaraang relasyon ko, marahil ay mahirap itong gawin sapagkat ang
pagbitaw naman talaga ang pinakamahirap gawin lalo na kapag mahal mo pa.
Pero dapat tayong maging matapang at matatag sa lahat ng mga pagsubok na ihahain saten.
Dahil kapag di tayo nagging matapang ay babalik ito satin.
Pagsasamantalahan nila ang ating kahinaan lalo na kapag wala silang magawa sa buhay.
Masasaktan at masasaktan lang tayo kapag hinyaan natin silang pagbigyan sa lahat ng gusto nila.
Hindi sa lahat ng oras ay dapat tayong lumaban, dapat sa lahat ng oras ay handa tayong bumitaw.
Lalo na kapag naging toxic na o kapag marami ka nang red flags na nakikita ay dapat dumistansya kana.
Oo, mahirap pakawalan ang mga taong nagging parte na ng ating buhay.
Pero masasabi mo pa kaya na masarap magmahal kung puro pananakit nalang sayong damdamin,
ang kanyang ipinapakita?
Masasabi mo pa bang masarap magmahal kapag pinaglololoko ka nalang ng iyong partner?
Masarap parin ba kapag nakikita mong hindi kana niya nirerespeto?
Hindi diba? Kaya ikaw kung nasa ganitong sitwasyon ka ay Mabuti pang tumigil kana.
Itigil mona ang pagpapakamartir, napakaraming pang iba dyan na handang magpahalaga sayo
Deserve nating maitrato ng tama, deserve natin ang mga bagay na makakapagpaligaya saten
Kaya ikaw, don’t settle, kung dika niya kayang mahalin ng ayos iwan mona siya.
Marami pa dyan na, marahil basura ang tingin niya sayo pero marami pa dyan na ginto ang tingin sayo.