Ang Pagmagmahal ay katumbas ng Pagpapakatanga.
Sa kabila ng mga nangyari sa inyong dalawa, sa kabila ng mga panloloko niya sayo, sa kabila ng mga pananakit niya eh nakakatawa lang isipin na mahal na mahal mo parin siya, ang saya diba? Bakit nga ba kung sino pa ang lubos at tunay kung magmahal ay siya pa ang madalas na nasasaktan. Yung tipong ginawa mo naman ang lahat, pero bakit parang nakukulangan pa rin siya sa mga nagawa mong kabutihan para sa kanya. Bakit tila hindi niya naappreciate ang mga effort mo? Bakit sa kabila ng mga pinakita mong Mabuti ay hindi kapa rin sapat sa kanya. At tila bakit hinahanap niya parin sa iba ang mga pagkukulang mo.
Napakasakit isipin na hindi niya kayang makuntento sayo, pero ganun pa man ay mahal na mahal mo parin siya, kahit ang sakit sakit niyang mahalin ay pinipilit mo paring ayusin ang mga bagay bagay, Pinipilit mo paring lumaban kahit na ikaw nalang ang totoong nagmamahal, ganito ata talaga kapag nagmamahal ka, kahit na alam mong wala na siyang feelings para sayo eh pinipilit mo parin na magpakatanga para kanya.
Mahirap talaga ang magmahal ng may iba nang mahal pero hangga’t kaya ay lumaban ka, hangga’t may feelings ka para sa kanya, hangga’t mahal mo siya ay mahalin mo lang siya. Dahil alam kong darating din ang araw na mawawala lahat ng nararamdaman mo para sa kanya, dalawang bagay lang naman ang pwedeng mangyare eh, una mapapamahal ulit siya sayo, pangalawa ikaw na mismo ang bibitaw sa kanya dahil pagod kana, huwag kang manghihinayang, dahil kung hindi yan magwork at least sinubukan mo, may darating din na mas mamahalin ka at mas pahahalagahan ka.