Sa hardin ng pag-ibig, ang aking puso’y parang mga bulaklak na natutuyo, tila mga patak ng ulan na binitiwan sa hangin ng oras. Ang kanilang mga dahon, dating buo at maganda, ngayon ay nalalanta na parang mga alaala ng isang pag-ibig na hindi nagbunga. Ang init ng pagmamahalan na inaasam-asam, tila isang mapait na pangako na hindi nagtagumpay sa pag-unlad. Sa gitna ng paghahanap, ang aking puso’y umaasang mahahagkan ng mainit na pagmamahal na tila hindi na darating. Sa paglipas ng mga araw, nararamdaman ko ang pag-fade ng mga pangarap, parang mga bulaklak na binabalot na lang ng malamlam na lihim. Ang hapdi ng puso’y parang tinik ng mga alaala na naiwang naguguhit sa puso ko. Sa bawat paglipas ng oras, ang pangako ng init at saya ng pag-ibig ay tila isang illusion na pinaasa ako ngunit hindi natupad. Sa kalungkutan ng pagkakalimutan, nararamdaman ko ang pangangailangan na masaktan upang malaman kung aling bahagi ng puso ko ang kailangang pagtuunan ng lunas. Sa hardin ng pag-ibig, ang aking puso’y naghihintay na muling magdala ng bagong pag-asa. Umaasa na ang mga bulaklak na tila nalanta ay magbubukadkad muli at magdadala ng bagong simula, isang pag-ibig na mas matatag at totoo.
-August 27, 2024