‘Infantuation’ – Pang Teleseryeng Hugot Sa Life

‘Infantuation’ – Pang Teleseryeng Hugot Sa Life

“We fall in-love because we feel intimation toward someone, but we also lost love for some reason.” May mga bagay na ‘pagkukulang tayo’ kung bakit nawawala ang pagmamahal natin sa mga taong mahal natin. “Why do we fall out love?”

 

33

May boyfriend ako at magkasama kaming naninirahan sa isang apartment. Kami lang dalawa. Legal kami sa mga pamilya namin at alam nila na magkasama kami. Nagstop na siya sa pag-aaral para makapagtrabaho at kumita ng sapat sa pang-araw araw na gastusin, renta at pati pag-aaral ko. 

 

Sobrang napakaresponsable niyang tao. Maalaga, maalalahanin at isang mabuting lalake na gugustohing makasama ng kahit na sinong babae. Ni minsan ay di ko siya narinig na nagreklamo siya na pagod o kung ano man. Nagtatrabaho siya maghapon at sumasideline din siya sa kung ano anong pwedeng pasukan para sa extrang kita. 

 

Minsan naaawa na ako sakanya dahil pag-uwi niya ay magluluto pa siya ng pagkain namin. Oo, di ako marunong magluto. Pero wala sakanya yun at araw araw pa rin niyang ginagawa ang mga yun. Kahit day off niya, kung wala siyang makitang raket ay susunduin niya ako sa school at idedate niya ako. Di ganun kagarbe pero alam ko at ramdam ko na bawat sandali na magkasama kami ay pwede mong i-treasure. 

Di maiiwasan na magkaroon ng di pagkakaunawaan. Nag-aaway kami lalo na kapag halos wala na siyang oras para sakin. Pag may pangako siyang nakakalimutan niya. Lalo na pag sinasabi niya na susunduin niya ako pero bigla nalang siyang di susulpot at pag-uwi sasabihin nalang niya na may dinaanan siyang trabaho. Which is totoo naman. Never siyang nagloko. Napakabuti niyang tao pero dahil sa kawalan namin ng oras sa isa’t isa, parang nanlalamig na ako. 

 

Isang araw, inis na inis na ako dahil ang tagal kong naghintay sa tapat ng school namin. Sabi niya ay susunduin niya ako pero pumuti lang ang mata ko kakahintay. 

May biglang humintong kotse sa harapan ko. Isang magarang kotse. Bumaba doon ang isang napaka gwapong nilalang. Kilala ko siya dahil sikat siya sa university namin dahil siya lang naman ang star player ng varsity team. 

 

Naglakad siya patungo sa direksyon ko. Tinanong niya kung may hinihintay daw ba ako. Dahil mukhang di rin naman darating ang boyfriend ko, sinabi ko sakanya na wala. 

 

Oo alam ko. Dapat sinabi ko na hinihintay ko ang boyfriend ko pero nawala ng panandalian ang salitang boyfriend noong nakausap ko ang lalaking ito. 

 

Niyaya niya ako na sumabay na sakanya at ihahatid na niya daw ako. Hindi na ako tumanggi at pinagbuksan niya pa ako ng pinto at pinaunang pasakayin. 

Di’ko namalayan ang oras at gabi na kami nakauwi. Bumaba ako sa kanto ilang bahay ang layo mula sa apartment namin bago kami magkahiwalay ay hinalikan niya pa ako sa pisngi. 

 

 

Habang naglalakad ako ay iniisip ko lahat ng nangyari. “Tama ba to?” Hindi! Mali to! Di ko to dapat ginagawa! Mahal ko ang boyfriend ko pero bakit ganon? Nawawala na ba ang feelings ko para sakanya? Dahil lagi siyang busy? Dahil wala siyang oras sakin at di niya ako kayang igala gaya nung kanina?” Naputol ang pag-iisip ko noong makarating nako sa tapat ng apartment namin. 

 

Ang bango, dali-dali akong pumasok at doon nakita ko ang boyfriend ko na naghahanda ng pagkain sa mesa. 

 

“Oh babe! Andyan ka na pala. Sorry ha? Naghintay ka ba ng matagal? May sideline kasi na inoffer sakin kaya di na kita nasundo. Sayang din kasi babe pandagdag na natin yun sa pangtuition mo next sem.” Sabi mo habang nakangiti ka pa. 

 

Alam ko na dapat ay matuwa ako dahil sa mga sinabi mo. Alam kong dapat ay iappreciate ko yun pero nainis lang ako sayo. 

 

“Kung di mo kaya, wag kang mangako!” Sabi ko at tumalikod ako at dumirecho sa kwarto at inilock ang pinto para di ka makapasok. 

 

Gaya ng dati, tahimik ka lang. Di ka na nagsalita pagkatapos nun. Lumabas ako para magCR at don nakita kita na kumakain mag-isa. Pagtapos kong maligo ay nakita naman kita na nagliligpit na. 

“Di ka ba kakain? Nagluto ako ng pab…..”

“Hindi matutulog nako.” Sabi ko at di na kita pinatapos sa pagsasalita. 

Dumiretcho lang ako sa kwarto at inilock ko ulit. Hinayaan lang kita na matulog sa sala. 

 

Paggising ko sa umaga ay di ko na siya naabutan at mukhang pumasok na siya sa trabaho niya. May pagkain na nakahain sa mesa at may sulat galing sakanya.

 

35

 

“Hi babe, sorry ulit kahapon ha? May trabaho lang talaga kaya di kita nasundo sana maniwala ka. Lahat ng pwedeng pasukan na trabaho papasukan ko babe mabigyan lang kita ng maayos na buhay. 

Pinagluto kita ng almusal. Kain ka na.

I Love You.

 

-Ken”

 

Pagkatapos kong basahin ay tumungo ako sa lababo para maghilamos. Mahal na mahal niya talaga ako. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. “Kailangan kong magsorry sakanya sa nagawa ko kagabi. “

Kasabay non ay nagring ang phone ko. 

**unknown number**

Sinagot ko at si Gab pala yun. Nagulat ako nung una dahil diko naman binigay number ko sakanya pero sabi niya naman ay binigay iyon ng kaklase ko. 

 

Niyayaya niya ako na mag almusal. Susunduin daw niya ako at ihahatid na sa school. Umoo naman na ako para makatipid na din sa pamasahe. Sa pagmamadali ko ay di ko na kinain ang luto ni Ken(boyfriend ko) dahil mag-aalmusal din naman kami ni Gab. 

Lumipas ang ilang araw na laging ganun. Hatid sundo ako ni Gab at lagi din kaming magkasamang kumakain sa labas. Napadalas din ang away namin ni Ken. 

 

36

 

Pag magkasama kami ni Gab ay masaya ako. Lagi niya akong napapatawa. Nahuhulog na ang puso ko kay Gab. 

 

Isang araw, niyaya ako ni Gab na kumain sa labas. Sinabi niya na Grand opening ng hotel ng tito niya at niyaya niga ako na dumalo. Since di pa rin kami nagkakausap ni Ken that time at gusto ko ding mag unwind muna ay umoo ako. 

 

Pagdating namin doon ay marami ng tao. Ang daming pagkain at inumin. Sa isang parte ng lobby ay merong mascot na kinagiliwan ng mga bisita lalo na ng mga kabataan. 

 

Nakita ako ni Gab na nakatingin sa mascot. 

“Gusto mo magpapicture?” Tanong niya.

 

“Hmm, oo sana. Ang cute kasi hehe”

 

Lumapit kami sa mascot at nagpapicture kami. Nagulat pa ako dahil sa pagbilang ng tatlo ng photographer ay hinalikan niya ako. Yumakap pa siya. Napa “Ayiiieeee” nalang ang mga tao sa paligid. 

 

Matapos ng ribbon cutting ay diretcho na ang lahat sa pagkain. Uminom din kami at diko alam na niyaya din ni Gab ang ibang kaibigan ko at ganun din mga kaibigan niya. 

 

Matapos ang party ay uuwi na dapat kami pero ang sabi ng ibang tao ay umuulan. Kaya nag-stay muna kami sa venue. Inaalala ko si Ken dahil baka nag-aalala na yun. Pinatay ko kasi ang cellphone ko para di niya ako matawagan. 

Dahil nahalata ni Gab na tahimik ako ay tinanong na niya ako kung gusto ko ng umuwi. Tumango lang ako at nagpaalam na kami sa mga kaibigan namin. 

Paglabas namin sa venue ay nakita namin yung mascot kanina na nakasalampak sa hagdan. Basang basa ng ulan pero parang wala lang sakanya yun. Ilang beses siyang tinawag ni Gab pero di siya lumilingon. 

Tumayo siya at humarap saamin. Dahan dahan niyang tinanggal ang ulo ng mascot doon ay nakita ko si Ken. Gulat na gulat ako sa nakita ko. Di ako makakilos. 

Umiiyak si Ken habang malakas parin ang buhos ng ulan. Nakatitig lang siya sakin. Tumalikod siya at akmang aalis na pero hinabol ko siya. Pipigilan ko sana siya pero paghawak ko sa balikat niya ay hinawi niya lang ito. 

 

37

 

Si Gab naman ay hinabol ako at ibinalik sa silong. Doon, sinabi ko na kay Gab ang lahat. Na boyfriend ko si Ken. Sabi niya ay alam niya yun pero di raw niya kayang pigilan ang nararamdaman niya para saakin. Niyakap niya ako mahigpit. Pero tumulo ang mga luha ko. Sobrang bilis. Si Ken ang mahal ko. Kumalas ako sa yakap ni Gab at hinabol ko si Ken pero wala. Diko siya makita kahit saan. Diko alam kung nasaan siya pero tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang mapagod ako at nagpasyang umuwi na sa apartment. 

 

Nagtaxi ako, at habang nasa byahe ay pumasok lahat ng masasayang ala-ala namin ni Ken sa utak ko. Parang nilalamukos ang puso ko sa sobrang sakit lalo na pag naaalala ko ang mukha ni Ken na umiiyak kanina. Ayaw tumigil ng mga luha ko sa pagpatak. Kahit lumuhod ako sa harapan ni Ken gagawin ko mapatawad niya lang ako. 

 

Pero pag-uwi ko ay di ko siya makita. Wala na ang mga gamit niya. Lahat. Nakita ko din na pinunit niya yung picture naming dalawa nung magkunwarian kami ng kasal nung anniversary namin. Ang sakit! Sobra. Napakasakit. 

 

Paglabas ko ay may nakita akong sulat sa lamesa gaya ng ginagawa niya lagi. Kaya binasa ko ito. 

 

38

 

 

“Hi Gwen,

Pinagluto kita ng paborito mong ulam kahit sa huling pagkakataon nalang. Iniwan ko na din sa damitan mo yung lahat ng naipon ko para sa pag-aaral mo. Alam ko kaya niya na tapatan lahat ng pwede kong ibigay pero tanggapin mo yun dahil para talaga sayo yon. Nandun na din yung singsing na ibibigay ko sana sayo sa pagpopropose ko sa anniversary natin bukas. Di nako gumawa ng eskandalo kanina dahil ayokong magulo ko kayo. Maging masaya ka sa kanya. Magiging maayos ang buhay mo sa kanya. Walang hirap niyang mabibigay sayo ang mga bagay na kailangan ko pang pagtrabahuhan at pagpaguran para lang mabigay ko sayo.

 

Huwag mo na akong hanapin. Di ko alam kung kaya ko pang mabuhay ng wala ka pero magiging masaya ako para sayo at bubuuin ko ang sarili ko. 

 

Mahal na mahal kita Gwen. Tandaan mo yan.

 

-Ken.”

 

Nanlambot ang mga tuhod ko at napasalampak nalang ako sa sahig. Sobrang sakit! Parang paulit ulit na tinutusok ng karayom ang puso ko. Napapasigaw nako sa kakaiyak dahil sa sobrang sakit ng kalooban ko. 

 

Bakit!? Paano ko nagawa yun sa isang napakabuting tao!? Mahal na mahal ko soya pero bakit ngayon ko lang to narealized!? Nagpabulag ako sa atensyon na binibigay ni Gab at napabayaan ang relasyon namin ni Ken. Ngayon wala na. Walang wala na ako. Kahihiyan at wasak na puso nalang ang meron ako. 

Wala na akong mukhang ihaharap kay Ken. Napakagaga ko. 

 

Totoo nga pala na malalaman mo lang ang tunay na halaga ng isang tao kapag wala na siya sayo.

 

Hindi na nagparamdam pa sakin si Ken. Pinuntahan ko siya sakanila pero tanging mga magulang niya lang ang kumausap sakin. Kinwento ko ang lahat at humingi ako ng tawad. Nung una ay nagalit ang mama niya pero pinatawad din niya ako. Mahal na mahal ko si Ken at sobrang sising sisi na ako sa nagawa ko. 

 

Lumipas ang dalawang taon.

 

Graduate na ako at may maayos ng trabaho. Di pa ako nagkakaboyfriend mula noong di na nagparamdam si Ken sakin. Walang hiwalayan na naganap. Hanggang ngayon ay umaasa parin ako na bumalil siya sakin. Kahit matagal na kaming di nagkikita at wala akong balita sakanya. 

 

Isang araw, habang kumakain ako mag-isa sa isang resto, ay may pumasok na di ko inaasahan. Isang napaka pamilyar na mukha ang nakita ko. Napatigil ako sa pagkain nung tumingin siya sa direksyon ko. 

 

Si Gab, ngumiti siya at tumungo sa kinaroroonan ko. Umupo siya sa tapat ko at tinanong kung kamusta na ako. Nung una ay naiilang pa ako na kausapin siya pero nung humingi ulit siya ng tawad ay naging malungkot ulit ako dahil naalala ko nanaman ang mga nangyari. 

 

Matapos non ay sinabi ko sakanya na matagal ko na siyang pinatawad at wala dapat siyang ikahingi ng tawad dahil kasalanan ko iyon. 

 

Naging mahaba ang usapan namin at hinatid niya din ako sa bago kong tinutuluyan. 

Halos araw araw na kaming nagkikita ni Gab at naging malapit na magkaibigan din kami. Tinutulungan niya ako na hanapin si Ken.

 

Pag day off ko, pareho kaming pumupunta sa bahay nila. Si Gab ay naiiwan lang sa sasakyan habang ako naman ay papasok para kamustahin sila at tanungin kung kamusta na si Ken. Nakakausap daw nila siya pero ayaw niyang ipasabi kung nasan siya. Hanggang ngayon alam kong galit sakin si Ken. Tumulo ang luha ko. Lumapit sakin ang nanay niya at niyakap ako. 

 

39

 

Nagpaalam na ako sakanila para umalis pagpasok ko sa sasakyan, tinanong ako ni Gab kung ano ang nangyari. Sinabi ko nalang na magmaneho na siya papunya sa dati naming bahay ni Ken. Gusto ko lang balikan at alalalahanin ang mga ala ala namin doon. 

Pagdating namin doon ay nakiusap kami kaagad sa landlord na kung pwede niya kaming papasukin sa dati naming inuupahan kahit sandali lang. Pero sa kasamaang palad ay di na maaari dahil may nakatira na daw doon. 

 

Kaya wala akong nagawa kundi pagmasdan nalang ang bahay namin mula sa labas. Inalala lahat ng masasayang ala ala naming dalawa. Kung paano niya ako ipaghanda ng pagkain, pano niya ako yakapin at halikan, kung paano niya ako pasayahin at kung paano niya ako mahalin. 

 

Saktong papasok na sana ako sa pintuan ng sasakyan ng may makita akong lumabas mula sa bahay. 

 

Si Ken, bumalik pala siya dito. Dito parin pala siya nakatira. 

 

Nanghina ang mga tuhod ko sa muling pagkakataon na nakita ko siya. Dahan dahan akong naglakad patungo sa direksyon niya habang siya naman ay papalabas na ng gate.

 

40

 

Paglabas niya ay nabaling sakin ang paningin niya. Nakita ko kung gano siya nabigla na makita ako. Gulat na gulat siya sa puntong di siya makakilos. 

 

Bago pa man siya makabalik sa huwisyo niya ay sinunggaban ko na siya ng yakap. Mahigpit na mahigpit na yakap. Isinuksok ko ang ulo ko sa leeg niya at humagulgol lang ako sa iyak habang humihingi ng tawad sakanya sa lahat ng mga nagawa ko. 

 

Wala parin siyang imik. Naramdaman ko ang mga kamay niya na humawak sa bewang ko at dahan dahan niya akong itinulak palalayo hanggang makawala siya sa pagkakayakap ko. Bawat sentimetro ng pagtulak niya sakin ay may katumbas na kirot sa puso ko. 

 

Tuluyan ng nakalas ang pagkakayakap ko sakanya. Nakayuko lang siya. 

 

“Marami pa akong gagawin, umalis ka na.”

 

Ang boses niya, kung anong ganda sa pandinig ko ng boses niya ay ganun din kasakit ang ibig niyang sabihin. 

 

Akmang paalis na siya nung mapatingin siya sa direksyon ni Gab. Nakita ko siyang ngumisi. Baka ano nanaman ang isipin ni Ken kaya lumapit ako agad sakanya. Hinawakan ko ang kamay niya. 

 

“Ken, maniwala ka. Mali ang iniisip mo. Magkaibigan nalang kami ni Gab at tinutulungan niya ako na hanapi ka.”

 

Hinawi mo lang ang kamay ko na nakahawak sayo. 

 

“Wala akong oras para makinig sa mga paliwanag mo. 

Nananahimik na ako Gwen. Umalis ka na. Wala na akong pakealam sainyo.”

 

Bawat titik ng mga sinabi niya ay bumaon sa puso ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Nagmamanhid ang buong katawan ko. Nahihilo at nanghihina na ako.

 

Pagdilat ng mga mata ko ay nasa isang kwarto nako. Nasa hospital ako base na din sa mga aparato na nasa kwarto. 

 

May nakita akong lalaki na nakatalikod sakin at tila may inaayos sa mesa. 

 

“K-ken?” Kahit masakit parin ang ulo ko at tuyo’t ang lalamunan dala ng sobrang pag-iyak ay pinilit kong tawagin siya.

 

“Oh Gwen, ayos ka lang ba? Kamusta pakiramdam mo? May masakit ba sayo?” Kitang kita ko sakanya ang pag-aalala. 

 

“Masakit lang ang ulo ko pero okay nako.”

 

“Mabuti naman. Sobrang nag-alala kami ni Gab sayo. “

 

“Nasan siya?” 

 

“Umuwi na siya. May aayusin pa daw.”

 

“K-ken, (tumulo nanaman ang luha ko) pasensya ka na ulit sa nagawa ko. Sorry kung nasaktan kita. Sorry talaga. ” Kumapit ako sa suot niyang damit at hinila ko siya para yakapin habang humihingi parin ng tawad. 

 

“Okay na. Napaliwanag na lahat sakin ni Gab. Sorry din kasi di ko nagawang pakinggan ang paliwanag mo. Sorry kung kahit wala ako sa tabi mo ay di ko alam na nasasaktan pala kita.”

 

Sobrang nalulungkot parin ako. Di dahil sa nasaktan ako ni Ken kundi dahil nakokonsensya ako. Paano ko nagawang saktan ang ganito kabuting lalaki? Ganito kabuting tao?

 

Doon ay nagkaayos kami. Kinabukasan ay dumalaw kami sa bahay ng mga magulang niya at masaya silang makita kami na nagkaayos na. 

Masayang lumipas ang araw na iyon. 

 

Nalaman ko na napromote pala si Ken bilang isang supervisor sa trabahong pinapasukan niya. 

Masaya din siyang malaman na sa kabila ng lahat ng nangyari saamin ay nakapagtapos ako ng pag-aaral. 

 

Dalawang taon ang nakalipas mula nung huli kaming magkaroon ng balita sa isa’t isa. Pero ang mga puso namin ay parang kahapon lang hindi nagkita dahil mahal na mahal parin namin ang isa’t isa. Ramdam ko na mas umigting pa dahil sa pagsubok na napagdaanan namin. 

 

 

Lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Naging maayos ang takbo ng lahat. Naging magkaibigan din si Ken at Gab. Sa totoo nga lang ay naging magkasosyo pa sila sa tinayo nilang negosyo. Muli kaming tumira ni Ken sa iisang bubong. 

 

Pero ngayon, di na tulad ng dati. Marunong na ako sa mga gawaing bahay. Ako na ang naglalaba at ako na din ang nagluluto para saaming dalawa. Kahit minsan ay pinipintasan niya ang luto ko na kesyo mas masarap daw ang luto niya, na aminado naman ako na totoo, ay inuubos pa rin niya ang pagkaing hinanda ko ng walang reklamo. 

 

Nayayakap ko na siya ulit kung kailan ko gusto. Nahahawakan ko ulit ang mga kamay niya. Muli kong nakukulong ang sarili ko sa mga bisig niya at muli kong natikman ang napakatamis na halik niya. 

 

Namiss ko lahat sakanya. Namiss ko siya ng sobra sobra

Naging maayos ang lahat. Naging masaya kami ulit. 

Isang gabi, pagkauwi ko galing trabaho, nakita ko si Ken na may ininom. Nung tanungin ko siya ay para daw iyon sa ubo. Pansin ko din naman na ilang araw na siyang inuubo. Di naman siya naninigarilyo at paminsan minsan lang kung uminom pero parang malala yung ubo niya. 

 

Sinabihan ko siya na magpakonsulta na sa doktor at nangako naman siya na magpapacheck up siya kinabukasan. 

 

Maaga akong umuwi galing trabaho dahil tapos na lahat ng paper works ko. Bukod sa miss ko na si Ken ay gusto ko din siyang ipagluto ng hapunan.

 

Pag-uwi ko sa bahay, wala akong nadatnan. Siguro di pa nakakauwi yun galing sa check up.

 

Nagmadali akong umakyat sa kwarto para magbihis. Pagbaba ko ay dumiretcho ako sa kusina para magluto. Nung hinahanda ko ang mga sangkap na gagamitin ay nakita ko si Ken. 

 

Nakadapa sa kabilang bahagi ng mesa. Di gumagalaw. Nanginig ang buong katawan ko sa pag-aalala at nagmadali akong lapitan siya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kinuha ko kaagad ang telepono at tumawag ng ambulansya. Humingi din ako kaagad mg tulong sa mga kapitbahay. 

 

 

Binalikan ko si Ken pero di pa rin siya nagigising. Dumating mga kapitbahay at tinulungan nila ako na buhatin si Ken. Rinig ko na ang sirena ng ambulansya. Sinakay nila si Ken sa loob at 

Sumama ako. Pagdating namin sa hospital ay agad siyang nilagyan ng mga aparato sa katawan. Pinalabas ako ng nurse at pinaghintay sa labas. 

 

Agad ding dumating si Gab at nakita niya akong di mapakali sa labas ng ER. Nilapitan niya ako at niyakap. Umiiyak na ako. Sobrang nag-aalala na ako kay Ken. 

 

Naghintay kami sa labas at makalipas ang ilang sandali ay lumabas na ang doctor. 

Guminhawa ang pakiramdam ko nung sabihin niya na ligtas na si Ken. 

 

Pumasok kami kaagad at nadatnan namin si Ken na nagpapahinga. 

 

Sinamahan ako ni Gab sa pagbabantay sakanya. 

Paggising niya ay sinermonan ko kaagad siya dahil alam ko na ang lahat. 

 

“Bat di mo agad sinabi sakin ha!? Bat kailangan mo lang ilihim sakin ang sakit mo? Magkasama tayo sa iisang bahay pero bakit di ko alam na may cancer ka na pala sa baga!? Bakit babe!?”

 

Di siya nagsalita at iniwas ang tingin sakin. 

 

“Ano? Ganyan nalang? Wala ka ba talagang balak na sabihin sakin?”

 

“Ayoko lang na mag-alala ka babe.”

 

“Ha!? Tingin mo ba ngayon di ako nag-aalala? Dumoble doble pa ang pag-aalala ko sayo dahil all thid time na kasama kita may sakit ka na pala pero di ko alam!?”

 

“Sorry babe. Sorry.”

 Natunaw ako nung makita kong umiyak siya. 

“Babe natatakot ako sa sakit ko. Di ko pa kayang tanggapin ang magiging kapalaran ko sa sakit na to. Babe help me.”

 

Awang awa ako kay Ken. Dinudurog ang puso ko. Ngayon ko lang nakitang magkaawa si Ken na tulungan ko siya dahil sanay akong makita siyang matatag at lumalaban mag-isa. 

 

Umuwi kami sa bahay. Umalis ako saglit para pumunta sa bahay namin para kunin ang ilang mga bagay. 

 

Pagbalik ko sa bahay namin ay nakita ko di Gab na kausap si Ken at natigilan sila nung makita ako. 

 

45

 

“Ano yang dala mo?” Tanong ni Gab.

 

“Mga alkansya.” Sagot ko. 

 

“Yan ba yung…” di ko na pinatapos si Ken sa pagsasalita.

 

“Oo babe. Ito yung ipon ko sa mga nasosobra sa panggastos natin at ito namang isa ay ang mga ipon mo noon para sa pag-aaral ko. Hindi ko to ginalaw. Nagsikap ako non at nagworking student. Doon ako lalong nalungkot. Noong maranasan ko ang hirap na dinanas mo tapos ay nagawa pa kitang saktan.”

 

“Aanhin mo ang mga yan? Diba sabi ko sayo, sayo ang pera na yan? Di ka na dapat nagtrabaho sana ginamit mo nalang yan.”

 

“Di na kaya ng konsensya ko babe. Isa pa, ito lang yung ala ala na iniwan mo sakin. Dahil halos lahat ng bagay na makakapagpaalala sayo sakin ay dinala mo. Ito yung gagamitin nating pera sa pagpapagamot mo. “

 

“Salamat babe ha. Salamat at nahanap mo ako. Dahil kung hindi baka ngayon nasa hukay na ako. Pero wag mo na gastusin yan. Babe cancer to. Wala tong lunas.”

 

“Ano ka ba ha!? Ganyan ka ba kadaling sumuko!? Ikaw ba talaga yan!? Kinausap ko ang doctor. Sabi niya ay kaya pang agapan ang sakit mo dahil nag-uumpisa palang. Kaya gagawin ko ang lahat para gumaling ka. Di mo ko pinabayaan noon babe, hayaan mong ako naman ang mag-alaga sayo. “

 

“Sorry. Oo lalaban ako. Lalabanan natin ang sakit ko. Magpapagaling ako. “

 

“Pwede ba akong sumingit diyan?”

Napatingin kami kay Gab na nakikinig sa usapan namin ni Ken.

 

“Sobrang bilib ako sa pagmamahalan niyo kaya tutulong din ako bilang kaibigan niyo. Isang doctor ang tita ko sa america. Isa siya sa mga doctor na gumagamot ng mga may sakit na gaya ng kay Ken. Pwede ko siyang dalhin dun para ipagamot sa tita ko. Huwag kayong mag-alala sa gastusin. Makikiusap ako sa tita ko na bigyan tayo ng malaking discount o kaya naman kung makakahingi tayo ng tulong sa mga kasamahan niya dun ay magiging libre pa ang gamutan. “

 

Labis na natuwa ang puso ko sa mga sinabing iyon ni Gab. Ang problema nga lang ay si Ken lang daw ang masasama niya dun kaya kailangan kong magstay dito sa pilipinas. Pilit ko siyang kinumbinsi na sasama ako pero pinigilan din ako ni Ken at ang sabi niya ay asikasuhin ko daw ang trabaho ko dito at ang pamilya niya. 

 

Kahit labag sa kalooban ko ay pumayag ako. Di rin nagtagal ay lumipad sila papuntang america para ipagamot si Ken. Lagi nila akong tinatawagan at nagvivideo call kami madalas para di kami gaanong mangulila sa isa’t isa. Naging mahirap sa amin ang magkawalay ng matagal. 

 

Nawalan din kami ng communication dahil ang sabi niya ay hinigpitan na daw sila at pinagbawalan sa paggamit ng gadgets. Nung una oo nagtaka ako. Pero inisip ko na lang na para sa kaniya din yun para mas mapabilis ang pagpapagaling niya. 

 

Mabilis na lumipas ang panahon at nakatanggap ako ng tawag mula sa tita ni Gab. Naiiyak ako ng mga panahon na iyon nung sabihin niya sakin na uuwi na sila Ken ng pilipinas.

 

Matiyaga akong naghintay sa airport sa pagdating nila. Pero sobrang pagtataka ko nung isa lang ang lalaking nakita kong palabas ng airport at papalapit sa akin. Nakita ko siyang umiiyak. Iyak na di dahil sa pananabik at tuwa. Kundi iyak dahil sa sakit at dalamhati. 

 

Fast forward. 

 

“Maraming salamat sa lahat. Bantayan mo kami lagi. Kami na nagmamahal sayo ng lubos. Hindi matatawaran ang pagmamahal na ibinuhos mo sa amin. Sana ay masaya ka na sa langit. Magkikita kita din ulit tayo. Mananatili ka sa mga puso’t isipan namin.”

 

Inakbayan ako ni Ken habang pareho kaming nakatitig sa puntod ni Gab. Nakakalungkot. Sobrang laki ng utang na loob namin sa kanya. 

 

Isa siyang mabuting tao, mabuting kaibigan. 

 

Kinuwento lahat sa akin ni Ken ang mga nangyari. 

 

Nung umalis ako para kunin ang mga alkansya para sana sa pagpapagamot ni Ken ay nagkausap daw sila. Doon ay sinabi ni Gab na may sakit din siya. Nung panahon na iyon ay malala na ang sa kanya at may taning na ang buhay niya. Pero di niya agad sinabi sa amin dahil ayaw niya kaming mag-alala. Pero dahil sa nagkaroon ng cancer si Ken ay minabuti niya na tulungan kami na maagapan ang sakit niya. Bagay na di nagawa ni Gab sa sarili niya. napagkasunduan nila ni Ken na huwag sabihin sa akin ang kalagayan ni Gab. Nung mga panahon na nawalan kami ng communication ay ang panahon kung saan sobrang nahihirapan na si Gab na lumaban para sa buhay niya. Nung panahon na iyon ay magaling na si Ken pero minabuti niya na mag stay doon para kay Gab. Hanggang dumating na yung araw na binawian na siya ng buhay. 

 

Hindi naging madali ang lahat para sa amin na tanggapin iyon. Hindi namin inasahan na ang taong naging dahilan ng pagkakasira namin ni Ken noon ay ang taong tutulong sa amin para madugtungan pa ang pagsasama namin. 

 

Hindi namin makakalimutan ang taong naging kaibigan , kapatid at anghel namin ni Ken. 

 

Kahit wala na si Gab, ay inanyayahan namin ang mga magulang nito sa kasal namin ni Ken. 

 

Si Gab ang naging best man ni Ken. Buhat buhat niya ang mga abo ni Gab habang hinihintay ako sa altar. Makalipas ang ilang buwan ay ipinangalan namin kay Gab ang panganay na anak namin ni Ken.

 

______________________________________________________________________

 

I hope you enjoy reading my short story!

If you want more visit our other stories and quotes to get inspire and related.

Share Article:

Yukimi Dela Vega

Writer & Blogger

Visit our website, read the quotes and stories, and feel free to share your own experiences. Together, we can navigate the journey of life, love, and sadness, and find hope in every word.

Leave a Reply

Malungkot

At malungkot.com, we believe that every word holds the power to bring clarity and comfort to suffering hearts. Our mission is to deliver quotes and stories that reflect the true emotions of every individual. We aim to provide a space where everyone can find solace and hope amidst their struggles.

Follow On Facebook

Recent Posts

  • All Post
  • "7 Most Inspiring Long Distance Relationship Quotes"
  • "WALANG TAYO" - Malungkot.com - Spoken Poetry Tagalog
  • @lesson learn
  • 10 Tagalog Sad Quotes 2019: Para sa umasa kaya ayun WASAK
  • 10 Tips for Healing Broken Families
  • 12 Reasons Why Online Dating Isn’t For Everyone
  • 12 Signs to tell if you have not moved on
  • 2017 Best 10 Sweet Love Quotes and Sayings
  • 2018 banat quotes
  • 2018 Top 10 Sad Quotes
  • 2022 Sad Quotes
  • 2023 sad post
  • 2024 Sad quotes tagalog
  • 6 Ways on how to eliminate your jealousy in a relationship
  • 8 Ways To Declutter Your Mind
  • Absolutely Heartbreaking Quotes
  • Absolutely Heartbreaking Quotes About Loneliness
  • Advice 2022
  • Advice Ganda Quotes
  • All season banat quotes
  • Alone quotes and sayings
  • Bakit Nga Ba Ayaw Niya Na?
  • Banat Quotes 2019
  • Beautiful Quotes
  • Being alone
  • Being lied sad quotes
  • Best advice
  • Best Alone Quotes and Sayings
  • Best Break up Quotes
  • Best Compilation of Malungkot
  • Best Introvert Quotes
  • Best Life Quotes and Sayings
  • Best Long Distance Relationship Quotes
  • Best Love Quotes
  • Best Love Quotes and Sayings
  • Best Move-on Quotes and Sayings
  • Best Quotes
  • Best Quotes Collection
  • Best Sad Love Quotes
  • Best Selos Tagalog Quotes
  • Best Song Lyric Quotes
  • Best Tagalog Love Quotes
  • Best Tagalog Quotes
  • Best Tagalog Quotes About being Lonely
  • Best Tagalog Quotes and Sayings
  • Best Tagalog Sad Quotes and Sayings 2017
  • Best Valentines Day Quotes
  • better advice
  • Bigo sa Pagibig Tagalog Quotes
  • Bitter
  • Bitter Quotes
  • Bitter Quotes and Sayings
  • Bitterness
  • bob ong
  • Bob Ong Quotes
  • Break up Tagalog Quotes
  • break-up
  • Broken Families Advice
  • Broken Heart Quotes
  • Christmas Hugot
  • Christmas Sad Quotes
  • Cute Tagalog Quotes
  • Death Quotes
  • Death Quotes and Sayings
  • Enjoying Life
  • eroplano
  • Ex Quotes
  • Friend Zone
  • Funny Love Quotes Tagalog
  • Goal Quotes
  • God Quotes
  • Halloween Hugot Lines
  • Happy New Year
  • Healing Broken Families
  • Healing Quotes
  • Heartbreaking Quotes
  • Hindi bibitaw
  • hindi pa nakaka move on
  • Hugot Lines
  • Hugot Lines "EROPLANO"
  • Hugot Lines 2018
  • Hugot Lines 2019
  • hugot lines tagalog patama
  • Hugot Quotes
  • Hugoterong malungkot
  • Huguterang malungkot
  • ILove my Mom Quotes
  • Inggit Quotes
  • inlove qoutes
  • Inspirational Love Quotes
  • Inspirational Mother Quotes
  • Inspirational Quotes
  • Introvert Quotes and Sayings
  • Introvert Rules
  • Kaibigan Lang Quotes
  • Lesson Learned
  • Letting Go Quotes
  • Lies quotes and sayings
  • long distance quotes
  • Long Distance Relationship Quotes and Sayings
  • Love Hurts
  • Love Quotes
  • Love Quotes and Sayings
  • Love Quotes for Her
  • Love sayings
  • lovequotes
  • lungkot na dulot ng pag-iwan mo
  • Madam Bertud Quotes
  • Maganda ako Kowts
  • Malabo quotes
  • Malungkot English Poem
  • Malungkot Qoutes 2018
  • Malungkot Quotes
  • Malungkot Quotes and Sayings
  • Manhid Love Quotes
  • Manigong Bagong Taon 2014
  • Mga ayaw ng mga lalaki
  • Mga ayaw ng mga lalaki at sagot ng mga babae
  • Mga Hugot Lines Ngayong Quarantine
  • Missing Someone Quotes
  • Mistakes
  • Mother Quotes
  • Motivational Love Quotes
  • Motivational Quotes
  • Move on
  • Move On Quote
  • Move-On Quotes
  • Move-on Quotes and Sayings
  • Music Quotes
  • Nakakapagod Quotes
  • Online dating
  • pafall
  • pafall qoutes
  • Pagod quotes
  • panu ba magmove on kay crush
  • panu mag moveon
  • Papa Jack Quotes
  • Para sa umasa kaya ayun WASAK
  • Patama Lines
  • Patama Quotes
  • Patient Tagalog Quotes
  • pick up lines
  • Problem Quotes
  • Quaranting Hugot Lines
  • question for broken
  • Quotes about Problems
  • Reason kung bakit tayo na fa-fall
  • Relationship Goal
  • Relationship Quotes
  • Sad Death Quotes
  • Sad Facts about Love
  • Sad Love Quotes
  • SAD MEMORY QUOTES
  • Sad Qoutes and Saying
  • SAD QUOTES
  • Sad Quotes 2020
  • Sad Quotes and Saying
  • Sad Quotes and Sayings
  • Sad truth sayings about girl
  • Samahan ng Malalamig ang Pasko
  • Sana may gamot sa sakit nang paglisan mo
  • Saying 2022
  • Sayings about your Ex
  • Science Hugot Quotes 2019
  • second chances qoutes
  • Sentimental
  • Short Story 2022
  • Signs That You're Inlove
  • Simpleng Banat
  • Simpleng Patama
  • Single Goals
  • Social Distancing Hugot Lines
  • Song Lyrics
  • Spoken Poetry
  • spoken poetry for him
  • Spoken Poetry Tagalog
  • spoken words poetry
  • Starting Over Again Movie
  • Steps to cope up with a Heartbreak
  • Sweet Tagalog Quotes
  • tagalog broken quotes
  • Tagalog Funny Jokes
  • Tagalog Hugot Lines
  • Tagalog Quotes
  • Tagalog Sad Love Quotes
  • Tagalog Sad Quotes
  • tagalog Signs That You're Inlove
  • Tagalog Spoken Poetry
  • Tagalog True Love Quotes
  • Tanga Love Quotes
  • Things men do that upset women
  • Tips
  • Tips para maka move on
  • Tips to Move-On
  • Top 10 Best Quotes and Sayings
  • Top 10 Best Tagalog Sad Love Quotes and Sayings
  • Top 10 Hugot ng mga Sawi
  • Top 10 Long Distance Relationship
  • TOP 10 MOVE ON QUOTES
  • Top 10 Quotes and Sayings
  • Top 10 Sad Quotes
  • Top 10 Sad Quotes and Sayings
  • Top 10 Sad Quotes ever
  • Top 20 Quotes Makes You Realize Your Mistakes
  • Top 20 Sad Hugot Quotes 2018 Part 1
  • Top 20 Sad Hugot Quotes Part 2
  • top 5 sad qoutes
  • Top 6 Break up Quotes
  • Top 6 Unforgettable love Quotes
  • Top 7 Best Love Quotes
  • Top Banat Quotes Of The Year
  • Truth qoutes
  • Uncategorized
  • Walang Pera Lines
  • WALANG TAYO
Edit Template
© Copyright Tagalog Sad Love Quotes – Best Tagalog Sad Love Quotes – Heart Broken Quotes Tagalog Sad Story – Malungkot. Website Design in Philippines | Web Developer in Philippines | SEO by To and Fro Digital and Top SEO Philippines