Puppy love? First love? Young love? Na-experience mo ba lahat yan noong kabataan mo? Kung oo, dedicated ko ang tula na ito para sa mga taong na-fall noong bata pa sila, pero hindi nagwagi sa pagmamahal.
Noong bata pa ako, ang gusto ko lang naman maranasan ay yung pakiramdam ng magkaroon ng magmamahal. Katulad ng Mama at Papa ko. Kaya siguro nasabik ako sa pagmamahal mo.
Napaka-bata pa natin
Marami pa tayong bigas na dapat kainin
Pero paano nga ba ito pipigilin
Kung umuusbong na itong damdanin.
Hindi pa pwede, hindi pa natin kaya
Kung papipiliin sa pag-ibig o pamilya
Kung kinabukasan ba o ikaw na
Marami pa tayong makikitang iba.
Hindi ko itatanggi na may nararamdaman ako
Sa murang edad, namulat ako ng pagmamahal mo
Ngunit hindi mo ba naisip na baka ngayon lang ito?
Na baka bukas, sa makalawa, sa isang taon, baka hindi na ako.
Maling-mali ang umibig sa edad na ito.
Hindi dapat ako nagpapadala sa pagiging kyuryoso.
Kung papalarin, pag pwede na, saka na lang natin ituloy ito
Dahil sa ngayon, sa oras na ito, mali ang tayo.
Marami pang pagkakataon para umibig at lumuha. Pero ang pagiging bata, hindi na maibabalik pa. Stay tuned to malungkot.com for more sad poems.