Mangarap ka!
Nakakalungkot isipin na hindi mo alam kung may mararating kaba sa buhay mo o kung matutupad pa ba ang mga pangarap mo, kase totoo naman na libre lang ang mangarap, pero sigurado akong magastos ang mabigo. Sa edad kong ito, palagi kong naiisip kung may mararating ba ako sa buhay kong ito, pakiramdam ko ay sobrang bigat dahil sa mga pangarap kong tila ba hindi na matutupad, habang buhay nalang bang ganito? Kahit anong gawin ay tila ba kulang at kulang parin.
Kahit na nagsisikap ako parang wala pa ring nangyayari, mahirap parin ako hanggang ngayon, nahihirapan parin akong gawin ang mga bagay bagay, pero sana balang araw ang takbo ng buhay ko’y mag iba, sana dumating din ang panahon na makakarating din ako don, kahit papano naman ay ayaw ko paring mabigo, sa tuwid ako dapat dumaan at hindi doon sa baliko, ayaw kong biguin ang mga taong umaasa sa akin. Kahit na madalas ay pinanghihinaan ako ng loob ay patuloy ko paring haharapin ang mga darating na laban ko sa buhay.
Alam kong mahirap at maputik ang daan patungo sa tagumpay. Hindi na ako dapat matakot kung sakaling ako man ay magkamali, dahil wala rin naman akong mapapala kung hindi ko susubukan. Okay lang naman kung mahirapan ako, pero alam ko sa sarili ko na wala pa ring bagay na mahirap sa taong may pangarap at alam ko na walang imposible sa taong nagpupursige, dahil ayaw ko nang manatili sa ibaba, sana pagdating ng araw lahat tayo ay nasa itaas na.