Okay lang ako
Okay lang sa akin kung masaya kana sa iba, pero hindi yun ganon kadali para sa akin, dahil palagi ko paring pinagdadasal na sana ako nalang siya. Sana nga ako nalang siya, sana ako nalang ang nauna, hindi ko na sana kailangang pang ipagpaliban ang aking nadarama. Kung nauna lang talaga sana ako, ako na gagawa ng lahat. Araw araw kitang liligawan, pupunta pa ako sa inyong bahay, magmamano din sa iyong nanay, uupo pa ako sa tabi ng iyong tatay, sasaluhin ko lahat ng kanyang ipapatagay, sagutin mo lang ako ay handa akong gawin yan lahat, kahit na sa inyong aso ako’y ipakagat.
Bibilhan pa kita ng isang dosenang rosas, saka ng tsokolate. Araw araw akong mag eeffort, gagawin ko ang lahat mapasaya ka lang. Araw araw kong ipaparamdam sayon a ikaw ay kamahal mahal, sisiguraduhin ko rin na hindi ka magsisisi sa pagpili sa akin. Kaso lahat ng yan ay hanggang pangarap nalang dahil may nauna na sayo, kaya naman hanggang tingin nalang ako sa malayo, dahil imposible na ikaw ay maging akin pa.
Labis man akong nanghinayang dahil hindi ako ang nauna, ang saya sana kung noon pa lang ay nakilala na kita, mas nakilala pa sana natin ang isa’t isa, pero kung sakaling magbago ang ihip ng hangin ay sana naman mapansin mo rin, sana ay mapagbigyan mo akong ibuhos ang lahat ng pagmamahal ko sayo. Sa ngayon ay masaya pa rin ako para sayo, makita lang kitang masaya ay masaya na rin ako, kahit na hindi ako ang dahilan ay ayos lang.