Sa tuwing sasaktan mo ang sarili mo, anong dahilan mo?
Nagawa mo na bang saktan ang sarili mo? Yung tipong susugatan mo ang pulso mo, o di Kaya ay bubugbugin mo Ang katawan mo. Maglalakad ka sa tabing kalsada na parang handa nang magpasagasa. Titingin sa dagat na parang gusto mo na lang malunod. Maghahanap ng gamot sa botika na pwede mong ikamatay. Kukuha ng matalim na bagay at isasaksak sa sarili. Pupunta sa rooftop para magmuni-muni. Mga bagay na ginagawa ng mga taong handa nang mamatay.
Pero isipin natin, handa lang siya, pero alam nya, hindi niya pa oras. Hindi ko pa oras. I inflict pain to myself to feel. Kasi ayokong maging manhid. Gusto kong makaramdam. Because being dense means not caring anymore. I don’t want to stop caring.
Gusto kong maramdaman yung takot na masagasaan, malunod, at mahulog sa building. Gusto kong maranasan yung takot na mamatay dahil sa lason. Gusto kong maramdaman yung physical pain na ginagawa ko sa sarili ko dahil gusto kong masaktan. Gusto kong makaramdam ng sakit dahil isa itong karamdaman.
Isa lang ang ayoko. Maging manhid. Dahil pag manhid ka, wala ka nang pakialam. At ayokong mawalan nun.
Laging may istorya sa bawat pagsubok ng pagpapakamatay. You just need to read between the wounds. For more blogs, visit malungkot.com! Learn from my pain! 🙂