Sa panahon ngayon maraming nagrereklamo, hindi nakatanggap ng ayuda ng Gobyerno, ang nakakalungkot lang may mga taong hindi marunong maka-appreciate ng effort ng iba. Hindi bat dapat nating ipagpasalamat na kahit papaano ginagawan ng paraan upang hindi ka mamatay sa gutom? Napapansin ko puro batikos pa ang natanggap nila ngayong nagdaang ECQ. Yung tipong binigyan ka ng ilang kilong bigas tas ilang pirasong delata at noodles, tapos sasabihin pa nung iba hindi daw sapat… kung tutuusin naman talaga ang dapat makatanggap ei yung mga taong nagbabayad ng tax, pero napapansin ko kung sino pa yung mga wala talagang trabaho bago magkaroon ng Quarantine sila yung marereklamo ei tambay lang naman sila,diba? sa iba naman walang trabaho kaya sila nagrereklamo kasi sila yung mga tax payer talaga sila yung pinagmulan ng income na inirereklamo ng mga tambay ang inirereklamo nila wala na sila source of income nauubos na din yung ipon nilang para sa future nila. Walang makain sa mga taong pwede naman magtanim ng mga gulay, kamote at iba pang pwedeng makabawas sa gastusin sa ngayon pwede namang gawa na ng paraan hindi yung magrereklamo tayo ng magrereklamo, ano ba napapala ng reklamo niyo? una nastress kayo lalo, ikalawa mabilis nagugutom kasi nasosobrahan sa pag-iisip, at ikatllo malaki ang posibilidad na magkasakit kayo kasi masyado nade-depress at nasstress utak imbis na makapag-isip ka ng solusyon lalong wala. By the way may mga hugot ngayong quarantine akong prenepare para sa inyo sana magustuhan niyo.
-August 27, 2024