May mga pagkakataon sa ating buhay na tila hindi natin kayang patawarin ang ating sarili. Minsan ang dami ng ating mga pagkakamali ay tila bumibigat sa ating mga balikat at nagsisilbing parang mabigat na kadena. Hindi ito madaling pagdaanan ngunit mahalaga ang proseso ng patawad sa sarili para sa sariling kaginhawaan.Sa bawat pagkakamali nararamdaman natin ang bigat ng panghihinayang at pagsisisi. Parang isang mahirap na laban na kailangang harapin. Subalit sa paghinga ng malalim at pagtanggap sa sariling kakulangan maaaring magsimula ang pagtahak sa landas ng patawad.Ang patawad sa sarili ay hindi nangangahulugang kinakampihan natin ang ating mga pagkakamali. Ito’y pagbibigay daan sa sarili na maging tao, mabuhay ng may pag-asa at magkaruon ng pag-asa sa pagbabago. Hindi natin kayang baguhin ang nakaraan ngunit sa pagsikap na maging mas mabuting tao, nagbubukas tayo ng pintuan sa kinabukasan.Ang pagpapatawad sa sarili ay tulad ng pagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa sarili. Hindi tayo perpekto at sa pag-unlad ng ating sarili, mahalaga ang pagbibigay halaga sa proseso ng pagbabago. Sa pagtanggap at pagpapatawad sa sarili, nakakamtan natin ang kalayaan mula sa bigat ng pasanin ng nakaraan.Sa paglalakbay ng pagpapatawad sa sarili, maaari nating makamtan ang pag-asa, kaligayahan at pag-ibig sa sarili. Ito’y mahirap naunit makabuluhan, isang hakbang patungo sa mas magandang hinaharap.