“Halaga”
Isa sa mga sakit na nadarama ko,
Ay ang pagtatanong sa sarili kung mahalaga ba ako,
Kung karapat-dapat ba akong mahalin ng tulad mo o kung kaya ba ako akong pahalagahan ng lahat ng tao,
Kase sa bawat araw na pakikisalamuha ko sa inyo, lagi ko nalang kinikwestyon ang halaga ko.
Nakakapagod pala,
Nakakapagod palang manghingi ng atensyon sa kanila,
Na sa tuwing may gusto akong sabihin laging nababalewala,
Nababalewala dahil mas inuuna pa nila iyong iba kesa sa akin na nasa mismong harap na nila.
Ang sakit rin pala,
Na sa tuwing nalulugmok ako sa problema,
Wala ni isa ang andiyan para damayan ka,
Na sa tuwing kinakain ako ng kalungkutan wala ni isa ang nakaka alam.
Siguro nga sarili ko nalang, sarili ko nalang ang kakampi ko,
Di ko na siguro kailangang umasa sa ibang tao,
Lalong lalo na sa inyo na binabalewala ako,
At sa inyo na di nakikita ang halaga ko.
Pero napakahirap kase sarilihin,
Ang sikip sa dibdib at ang bigat sa damdamin,
Iyong pilit mong kinikimkim yung sakit at pinipigilan ang mga hikbi,
Mga hikbi tuwing gabi habang nakahiga at nakatulala sa kisame.
Lagi niyong sinasabi na bakit hindi ako nagkekwento,
Pasensya na kayo ang hirap kasi magkwento sa mga taong hindi interasado,
Sinasabi niyo rin na kasalanan ko,
Kasi ako itong naglilihim at nagtatago.
Sinubukan kong sabihin, sinubukan kong magkwento, sinubukan kong ilabas sa inyo lahat ng hinanakit ko,
Pero paano, kung paulit ulit niyong pinaparamdam na walang kwenta lang ito, na walang kwenta ako,
Hanggang sa napagisip isip ko,
Na manamahimik nalang at titigil sa kakaasang mapapansin niyo,
Titigil sa kakaasang pakikinggan niyo,
At higit sa lahat titigil sa kakaasa na makikita niyo ang halaga ko.
Hihintayin ko na lang siguro iyong pagkakataon na mapagtanto niyo,
Na andito ako, na nasasaktan ako,
Baka sa pagkakataong iyon maranasan ko na iyong pagpapahalagang hinahangad ko.