Makulimlim ngayon ang kalangitan Malabong makita ang araw kahit malapitan Katulad na lamang ng relasyong may tayo Mahirap, malabong maging tayo dahil may kayo
At heto ako, nagsisimulang kalimutan ka Pinipigilan at sinasabing mahalin ka ay tama na Pero bakit sa pagpikit ng aking mga mata Ay sya ring pagkatok mo sa pintuang nakasara
Naghahanap ng makakausap at makakapitan Andito ka nga sa tabi ko subalit nararamdaman ko ay kapaitan Dahil na naman ito sa kanya, sa taong mahal ka Mahal mo subalit sinasaktan ka
Parang ako lang, mahal kita pero sinasaktan mo Umiiyak ka rin katulad ko Pero alam kong magkaibang- magkaiba tayo Dahil ikaw ay kitang nasasaktan samantalang ako patago
Patagong nagmamahal kaya nasasaktan ng lihim Na di pwedeng isumbat kahit ang pagtikhim Sana ako nalang, di ko maiwasang humiling Na sana ako nalang ang nais mong makapiling
Ano nga ba ang meron sya na sa akin ay wala Ano, saan, bakit at sino ay may pakana? Bakit sya na sakit lang ang idinulot sayo Yun pa na sya ang minamahal mo
Mga masasakit mong kuwento na ako rin apektado Iniwan ka nya at sumama sa ibang tao At ito ako ngayon, nakikinig sa mga kuwento mo Nagtitiis kahit nasasaktan itong puso
Pero mahal! Masakit rin naman sa parte koAh! Nakalimutan ko, hini pala ako kaparte ng sa inyo Ang sakit lang kasi alam kong wala akong karapatan Mas mahal mo sya at kailanman ay di ko mapapantayan
Sino lang naman ako sa buhay mo diba? Ako lang namb yung lihim na minamahal ka Ako lang naman yung patagong nasasaktan dahil meron kang sya At ako lang namab yung babaeng pinapatahan ka kapag nasasaktan ka nya
Ako lang naman yung babaeng humihiling na sana Sana ako nalang yung minahal at minamahal mo, sanako nalang yung laman ng mga kuwento mo Hindi ka na sana luluha pa dahil meron kang ako
Pero ano nga ba ang tingin mo sa akin? Nangangarap na ito’y asukal sa halip na asin Ako lang pala yung kaibigang matatakbuhan mo Na laging nandyan sa tuwing kailangan mo.
by: Hazel Joy Ruado #AKO NALANG