Never be enough
“Alam mo yung masakit, ginawa mo na nga yung lahat pero hindi pa din sapat”
Tanong ng Ilan, bakit hindi pa din sapat kahit ginawa mo na ang lahat?Sa panahon ngayon, hindi mo na maipipinta ang ang saya at nararamdaman ng isang tao.Iba’t ibang direksyon ng buhay kaya minsan nababaliko, nawawalan ng tamang direksyon ang puso. Sa unang pahina ng pagibig nyong dalawa ika’y magiging masaya at kontento pero sa huli ng kwento iiwan ka lang din Niya Kasi hindi makontento.
Ikaw, gagawin mo ang lahat para sa kaniya,Pero naisip mo ba babalik pa siya?May mga taong hindi natin kailangang ubusin ang sarili para sa iba, bagkus mahalin ang sarili at wag magpabaya. Ikaw, Oo hindi ka Naman nagiisa kaya hayaan mo na lang siya.Hindi ka maging sapat sa isang tao kung marunong makuntento, dahil ang isang pag ibig disedido sa mga pangako at mamahalin ka hanggàng dulo.
Hindi natin deserve ipagpilitan Ang sarili sa kanya, may mga bagay na dapat tapusin na pag alam mong Hindi na Tama. Pero Hindi natin sila masisi kung ganun nga ang desisyon ng iba pilitin ang ang sarili para lang mahalin sila, gagawin ang lahat para sa kagustuhan niya kahit hindi na tama at hindi nila alam na hindi nila deserve ang maghabol sa taong hindi nakikita ang halaga nila. May mga bagay tayong dapat “TANDAAN” Hindi natin dapat pilitin ang taong hindi nakikita ang halaga natin.
Hindi natin dapat pilitin ang taong hindi naman para satin. Hindi natin dapat pilitin Ang taong ayaw na satin. Tanggapin na lang natin na Hindi pwede at isipin satin kung deserve ba natin ang relasyong sapilitan lang ang bumubuo.