Unrequited Love: A one-sided Experience
Noong una ay wala lang siya saken pero di nagtagal ay nahulog din ang loob ko sa kanya, napakabilis kong nainlove dyan, ikaw si Maria feeling ko ako si Juan, ang makapiling ka ang tangi kong hiling, pero sa ngayon ay mananaginip muna ako ng gising. Ngunit sa kasamaang palad, meron na pala siyang iba, at sa tingin ko ay wala ng pagasa pa itong nararamdaman ko para sa kanya, hindi ko na sana kailangang ipagpaliban ang aking nadarama, dahil minsan lang ako umibig at magkagusto sa isang babaeng tulad mo, bat kase ang ganda ganda mo, tuwing nakikita kita ay bumabagal ang mundo ko, ngunit ng makita kong may kasama kang iba mundo ko ay nagiba.
Ikaw ang gusto ko bago ang gusto mo’y iba, napakadaya naman talaga ng tadhana, minsan na nga lang humiling ayaw pang ibigay sa akin. Ang nais ko lang naman ay lumigaya, pero dahil gusto kita ako’y magpaparaya, hindi kita pipilitin na ako’y iyong piliin, wala naman akong dapat sisihin, kase ito’y ginusto ko, gusto ko rin naman na sundin ang gusto ko.
Okay lang kahit masaktan hayaan mo lang akong mahalin ka ng patago kahit na magkalayo pagibig ko sayo’y dina magbabago, kahit na Ang sakit sakit makitang masaya ka na hindi ako ang dahilan, parang sasabog na ang puso ko habang pinagmamasdan ka na masaya sa piling ng iba, ano ba naman kasing laban ko sa kanya, kaya ngayon ay hanggang dito nalang muna, kung sakaling hindi nako biruin ng tadhana ay sana naman sa pagdating ng araw ay mapansin mo na.