Peace of mind

“There’s no ex I want back, there’s

nobody from my past that I’m 

willing to fix bonds with. and that 

includes friendships. Thanks for the

lessons but I’m good now.”

Makahinga at mamahinga Wala na akong ibang hiking pa kundi ang makalaya, sa lahat ng sakit at pasakit sa tapos na Wala na akong gustong balikan pa, kundi ang makita lang ang sarili kong masaya at walang iniisip kundi ang magisa.Masayang gumigising sa umaga, babangon ng walang problema kasabay ng kape at tinapay sa mesa. Walang ibang iisipin kundi ang sumabay sa ihip ng hangin kung saan mas magiging payapa ka at hindi mangialam ng buhay ng iba.

Kay sarap ng lasa ng pagmamahal sa sarili at mamahinga kasabay ng pag alon sa dagat at paglipad ng ibon sa ere. Sarap pagmasdan ng tala sa langit na kahit sobrang dami mong pinagdaanan na problema, masaya at natuto kang tumayo sa sarili mong paa. Katulad ng buwan nagiisa ka, masarap pagmasdan kahit sa madilim na nakaraan na iyong pinagdaanan, andyan at bumabangon hindi para sa iba kundi para sa sarili mo.

Salamat sa kalayaan na nararamdaman ko, masaya ako. Sa lahat ng paghihirap ko andito pa din ako, sa lahat ng dinaranas ko sa mundong ito natuto ako at kahit magisa lang ako. Alam kong kaya ko at kakayanin ko ang mga pasanin sa mundo, just enjoy the flow of your life to release all the struggles that you can handle, you’re too strong and independent to face the reality, you’re not afraid to prove what you can and do.