PRIORITY KA NIYA
I respect your personal time and priorities,
a little update is enough for me.
Bawat lalake, merong priority list like family, work, studies, travel, games, etc. The most important thing is dapat nasa loob ka ng priority list niya kasi kung wala, super good luck sa ‘yo tapos awit ka talaga. Kasi kapag nasa list of priorities ka niya it means mahalaga ka sa kanya. Kahit sabihin pa nating pang-lima ka diyan sa listahan niya basta priority ka it means he will always give you quality time that you deserve. Otherwise, malalaman mo naman ‘yun sa kung paano siya mag respond sa ‘yo.
Super simple lang nito, since ikaw ang center of attention niya palagi, ito yung part kung saan madalas niyang mapansin kung anong bago sa ‘yo, kahit maliliit na bagay napapansin niya. For example, nagpa-trim ka ng buhok, pumayat ka, nag-gain ka ng weight, malungkot ka, may problema ka, masaya ka, may tinatago ka, at usually hindi mo na kailangan maging vocal sa kanya kasi alam na alam niya kasi he sees you, always.
You know, one thing you should know about guys is that alam nila ang target nila. Alam nila kung magigin ano ka ba o sino ka ba sa buhay nila. Kaya kapag mahal na mahal ka ng isang lalake, hinding-hindi ka niyan susukuan basta basta. The idea of being separated from you is hindi niya na kaagad gusto, so he will do everything in his power to keep you. UNLESS, ikaw na mismo ang toxic sa buhay niya. Alam mo yung part na mahal ka niya, pero ikaw na mismo araw-araw nagse-selos, nagta-tamang hinala, masyadong higpit, kahit sinong lalaki, kung sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay nagiging lason ka na sa kanya, kahit mahal ka niya susukuan ka niya, at karapatan niya ‘yun. So kung ayaw mong sukuan ka rin ng isang lalaki, umayos ka rin.
This “signs” may not be accurate for other people. Ito ay hindi para sa lahat, at limited lang ang makakarelate dito. Some men may disagree with this but it’s okay. After reading this, don’t tell your guy, looking straight at him and be like, “seryoso ka ba talaga sa akin?”, that will be hilarious. Tandaan niyo na iba-iba naman ang mga lalake, and they have their unique way of telling how much they love you. Hindi lahat ng lalake, pare-pareho ang ways ng pagpapakita nila ng affection sa partner .