Isa ka rin ba sa mga taong hilig ang mga katagang “Stuck ako sa taong sinisira na ako”? Ang acronym na to ang para sayo.
S – Sirang-sira na yung dating ako mula noong wasakin mo. Yung dating mayabong kong pagkatao, nilagas ng isang peste na katulad mo. Pinaghirapan kong buuin para lang sandali mong sirain. Ako namang nagpaloko, hinaayan kitang gawin. Pero ngayon, hinhiling ko na lang. Na sana hindi na lang ako ang pinili mong mahalin.
T – Tinuring kitang mundo ko. Binigay ang lahat sayo, sinunod ko lahat ng gusto mo. Pero hindi pa ba sapat ang lahat? Para lang maghanap na iba para punan ang kulang? Saan ba para naman mapunan ko, hindi yung malilinga lang ako saglit, agad ka nang naka-bingwit. Kung marunong kang mangisda, ako din. Tandaan mo, maraming tao sa mundo, at ikaw yung tipo ng tao, na napatunayan kong di dapat gawing mundo.
U – Una ka sa listahan ng priorities ko, pero ako nasaan ako? Kahit sa dulo ng listahan mo, walang ako sa mga pangarap mo. Naiintindihan ko noong bata pa tayo kung laro lang ako sayo, pero ngayon? Wala na tayo sa edad ng lokohan. Sa tagal nating magkasama, dapat nasa stage na tayo ng seryosohan. Pero ano? Lagi na lang ikaw, pangarap mo, gusto mo, future mo. Suportado kita. Pero paano naman ako? Kung yung sarili ko, nasira mo, ayaw akong pati magiging buhay ko idamay mo. Hard pass. Ayoko na.
C – Cheater ka sa maraming bagay, bukod pa sa tao, pero may say ba ako? Ilang beses ka nag-lie. Hindi ko na rin mabilang ang mga hinarot mo habang nasa relasyon tayo. May narinig ka ba sa akin bukod sa pag-iyak ko? Wala diba? Kasi ayokong mawala ka kung papipiliin kita. Dahil kahit kailan, hindi ako naging first choice mo. Kasiyahan mo lang naiisip mo. Kaya kung di ka na masaya sa akin, hahayaan na kita. Doon ka sa masaya. Sana lang mahalin ka niya tulad ng pagmamahal kong lagi kong pinapadama, pero di mo makita.
K – Kaya ko pa sanang magtiis, pero ikaw na mismo ang dumudulas mula sa mahigpit kong kapit. Bakit? Dahil may iba ka nang makakapitan? Sinukuan mo na tayo? Ayaw mo na sa akin? O dahil hindi mo na ako kailangan? Pagkatapos pakinabangan, iiwan na lang ng biglaan. Pasensya, pero ayokong maging basura. Kung meron mang basura dito, yun ay ang ugali mo. Kung ganito rin lang naman tayo, tapusin na natin to. Ayoko na. Kung pagod ka, mas pagod ako. Mahal kita pero suko na. Hindi lang pagmamahal ng isa ang bubuhay sa akin.
Kung binubuhay ang mundo ng pag-ibig, wala na sanang kahirapan at corruption. Kailangan natin matutong lumaban sa mundo, unahan na natin ang pakikipaglaban ng sarili laban sa maling tao. For more blogs, visit malungkot.com! Enjoy!