Sa pagmamahal, hindi nawawala yung mga sitwasyon na masasaktan ka at mabibigo. Siguro ang kalungkutan ay syang kakambal na ng kasiyahan. Kahit ang siyensya man ay nagkakaroon parin ng hugot.
I. MAGNET
“Para tayong magkaparehas na pole ng magnet, kahit anong gawin natin hindi tayo makakalapit”
Sila yung dalawang tao na kahit anong gawin hinding-hindi talaga sila para isat-isa. Yung tipong parehas sila ng nararamdaman pero napakaraming hadlang tulad na lang ng pag aaral, magulang, pinansyal, at napakarami pang iba. Silang yung pinagtagpo pero hinding-hindi itinadhana.
II. LONDON DISPERSION FORCE
“ang pagmamahalan natin ay parang LDF kase hindi lang sobrang weak ng ating attraction, napakabilis pang mawala”
Ito ang klase ng pagmamahal na sa una lang ang kilig, saya, basta lahat lang ng una. Sila yung mahal nila yung isat-isa pero meron parin silang sideline o kabit. Sa madaling sabi ang pamamahalang ito ay panandalian lamang kahit na merong attraction, napaka hina naman.
III. DIAMOND
“Parang diamond ang pagmamahalan natin dahil sa sobrang tibay”
Ito naman ang complete opposite ng same magnetic pole. Kahit na anong hirap ng buhay, sila at sila parin ang pinagtatagpo ng tadhana. Magkaroon man ng break up, bumabalik parin sila sa isat-isa. Sila yung pinagtagpo na, itinadhana pa, diba ang saya.
IV. Ribonucleic Acid
“Buti pa ang RNA marunong mag convey ng message, ikaw hindi.”
Sila yung mga klase ng tao na torpre. Binibigyan na ng motibo hindi parin pinapansin. Sila yung nauunahan ng hiya para umamin sa taong gusto nila. Iniisip kase nila na baka mareject sila kaya hinahayaan na lang na hanggang tingin na lang sila sa taong gusto nila.
V. EARTHQUAKE
“Ang break up natin ay pararang earthquake, kahit matagal na ay nagkakaroon parin ng aftershock”
Sila yung mga tao na hirap mag move on sa past relationship nila. Hindi nila makalimutan ang nakaraan, araw araw inaalala ang mga masasayang araw nung sila pa ay magkasama. Sinasabi lang nila sa kanilang sarili na okay sila pero deep inside wasak na wasak na sila.
VI. CATALYST
“Pagkatapos mo akong gamitin, bigla mo na lang akong iniwan. ”
Sila yung mga tao na pwede mong tawaging mga manggagamit. Ginamit ka lang nila para maka move on sila sa dati nyang relasyon at bigla ka nalang iiwan kapag nakahanap na ng mas better sayo. Parang ginawa ka lang nya bilang rebound.
VII. Deoxyribonucleic Acid
“Para kang DNA ng buhay ko, kase kulang ako kapag wala ka”
Sila yung mga feeling nila may kulang sa kanila kapag wala sa tabi nila ang love of their lives. May nagyayaring kakaiba sa katawan nila at ang makapagpapabalik sa natural nilang katinuan ay ang kapartner nya, sa madaling sabi ay nagiging abnormal.
VIII. MOLECULE
“Para kang molecule sa compound kong puso dahil ikaw ang bumubuo dito”
Ito yung mga kulang ang araw nila kapag hindi man lang nila nakikita ang taong bumuo ng kanyang puso. Pakiramdam nilang kulang siya kaya palagi nya itong hinahanap upang mapunuan ang kulang na iyon.
IX.TSUNAMI
“Para kang tsunami, minsan ka na nga magparamdam, nanakit ka pa.”
Ito yung mga ex mo na babalik lang sa buhay mo para guluhin ang matiwasay mong buhay. Naka move on kana nga tapos nandyan na naman sya paaligid ligid sa tabi tabi. Pipilitin kang makipagbalikan pero alam mong pagwasak na naman ang gagawin nya sayo.
X. STP (Standard Temperature and Pressure)
“Hanggang dulo constant parin tayo, STP kase.”
Ito yung klase ng relasyon na kahit parang binagyo na ng problema hindi parin sila nag babago. Kahit na ang relationship nila ay LDR, stay strong parin.
Thank you for visiting this blog site, i hope you like it. For more Hugot Lines visit http://malungkot.com