Treat me well
“To be treated well without asking for it, hits different.”
Sa napakaraming tao sa mundo, napakaswerte ng Ilan.Lalo na kapag napapunta ka sa tamang tao, mga tamang taong nakapaligid sayo.Makikinig, nagtatawanan ng walang iniisip na problema sa buhay, masayang ng kwekwentuhan na tila wala ng katapusan.
Sobrang tahimik at kay sarap mabuhay ng walang kaaway.Iba’t ibang paraan at pagtrato ng mga tao sa paligid, kaya hindi mo kailangang mamilit ng mga taong ayaw sayo.Palagi mo na lang isipin na merong ibang tao diyan na kaya kang pakisamahan at itrato kagaya ng pagtrato mo.
Totoo napakasarap itrato ng tama, katulad ng pagtrato sa’kin ng nakakarami.TRINATRATO ako dahil alam kong deserve ko, kaya ganon din ako sa kanila.Kay hirap magtiwala, lalo na kapag marami ka ng napagdaanang lubak sa buhay. Hindi mo masisisi ang iba, kung iba ang tingin sayo. Basta’t gawin mo lang ang nararapat, dun pa lang panalo ka na. Wag magpaapekto sa iba, dahil matibay at alam mong tama ka.
Mabuti kang tao, tama lang sayo ang magpakatotoo.Hindi dahil sa pinapakita mo, kundi dahil mabuti ka. Kahit sa maliit na dahilan at paraan ng pagtrato mo natutuwa ang mundo.Sarap sa piling na magkaroon ng tulad mo, alam kong hindi lahat ng tao ay perpekto, wala ni isang taong ganito, basta totoo ka may magandang pakikitungi saiyo ang tao.
Pero hindi lahat sumasang-ayon at alam ko iyon. May mga taong naiingit sayo, pero mas piliin mo na lang ang nararapat para dito.Lahat tayo, lahat ng tao “DESERVE to be treated well” kaya wala kang dapat ikabahala lahat tayo’y may kabutihan sa puso ng bawat isa. Kaya mong makisama, makisalamuha sa mga taong tunay at totoo basta alam mo ang ginagawa mo at tama walang magiging problema. Kay sarap itrato ng tama kahit hindi mo kailangang sabihin, Napakasarap sa pakiramdam.