May bulag na babae na napopoot sa sarili dahil sa kanyang kapansanan. Kinamumuhian niya ang lahat maliban na lamang sa mapagmahal niyang kasintahan. Siya ay laging nandiyan para sa kanya, maaasahan niya sa lahat ng oras. Kaya ipinangako ng babae na kung makakakita siya ay pakakasalan niya ang nobyo at magsasama sila hanggang sa pagtanda.
Isang araw, ipinaalam ng doktor sa babae na nakakuha sila ng donor para sa kanyang mata. Sinimulan ang operasyon at pagkalipas ng ilang buwang pagpapagaling ay matagumpay ang transplant ng mata sa kanya. Nakakakita na ang babae.
Bumisita sa kanya ang kanyang nobyo isang araw matapos tanggalin ang bendahe niya sa mata. Nagulat siya nang malaman na bulag din ang kanyang nobyo. Tinanong siya ng lalaki,
“Ngayong nakakakita ka na, gusto ko sanang makasama ka habang-buhay. Will you marry me?“
Hindi nakaimik ang babae, hindi niya matanggap na bulag din pala ang kasintahan. Hindi niya kayang makasama ito sa mahabang panahon sapagkat magiging pabigat ito sa kanya. Gusto niyang masilayan ang mundo ngayong nakakakita na siya at magiging balakid ang nobyo sa kanyang mga plano. Sinabi ng babae na hindi niya kayang magpakasal at gusto na niyang makipaghiwalay sa lalaki.
Nasaktan ang lalaki at tila nawasak ang kanyang puso. Gayunpaman, gusto niyang maging masaya ang nobya kaya pinapalaya na niya ito.
“Sana’y mahanap mo ang tunay na kaligayahan ngayong nakakakita ka na”, sabi ng nobyo. “Isa lang ang hinihingi ko, ingatan mo ang iyong mga mata bilang alaala sa tunay kong pagmamahal sa iyo… Dahil ang mga mata mo ngayon ay dating mga mata ko.”