“WALANG TAYO”
Tayo,
Tanging apat na letra para lang mabuo,
Ano nga ba tayo?
Teka wala nga palang tayo ang meron lang ay ikaw at ako
Sa pagbuhat ng sako ang aking nararamdaman,
Di ko alam kung ano ang dahilan,
Ang tanging nais ko lang ay malaman,
Kung ikaw ba’y sa akin ay may pagtingin o nararamdaman.
Ang tanging nais ko lang ay pasayahin ka
Ang tanging ko lang ay mahalin ka,
Ang tanging nais ko lang lumigaya ka,
Ngunit yun ay sa piling ko hindi sa piling niya.
May mas sasakit pa ba pag nakikita mo ang mahal mo na napapasaya ng iba?
Yung nais mo na iba na ang gumagawa para sa kanya
At sabay silay sumasabay sa awit ng musika,
Na parabang walang ako! Oo nga pala “Walang tayo”
Pasensya kana kung masyado akong feeling,
Feeling na halos malapit na sa pagka assuming,
Bakit ka ba kasi nagpakita ng motibo gayong ayaw mo naman
Pala makasakit ng tao?
Siguro kasalanan ko masyado akong umaasa sa matatamis na salita
Tuwing binibitawan mo ay kinikilig na ako.
May naka pagsabi sa akin na kailangan mong humingi ng tawad
Sa taong nasaktan o nagawan mo ng kasalanan,
Ngayon nais kong humingi ng kapatawaran
Dahil ang tanging nais ko lang naman ay masuklian,
Ang pagmamahal ko sayo na kahit kalian wala kang pagkakakilanlan.
Ngayon humihingi ako ng tawad,
Patawarin mo ako sa aking pagluha kahit WALANG TAYO,
Patawarin mo ako sa pananatili sa tabi mo kahit WALANG TAYO,
Patawarin mo ako sa pagpili ko sayo kahit WALANG TAYO,
Patawarin mo ako sa aking pagkapit kahit WALANG TAYO,
Patawarin mo ako sa hindi ko paglayo kahit WALANG TAYO,
Patawarin mo ako sa hindi ko pagsuko kahit WALANG TAYO,
Patawarin mo ako sa aking pagmamahal sa iyo kahit WALANG TAYO.
Mahal! Patawarin mo ako,
Patawarin mo ako nang matapos na ang tulang ito,
Dahil pagod na pagod at durog na durog na ako,
Sa bawat pag sambit ng katagang “WALANG TAYO”.