when it comes to love choose wisely

When it comes to love, choose wisely

Ang PAGIBIG ay hindi madali, kaya hindi natin ito dapat minamadali, kung ayaw niyong mauwi ito sa isang hindi magandang pagkakamali. Marami sa atin ang nagkakamali sa pagpili ng magiging karelasyon natin. Pero hindi naman natin sila masisisi, dahil hindi rin naman natin agad nalalaman ang mga bagay bagay na yan. Hindi ito madali kaya dapat galingan natin ang pagpili.

Kaya maraming tao ang nagkakaroon ng trust issue eh, dahil sa mga maling tao na kanilang pinipiling mahalin, ibibigay mo ang lahat tapos hindi naman pala nila ito kayang suklian ng pagmamahal. Sa umpisa lang sila magaling pero pagtagal ay wala na hinahayaan ka nalang nila.

Naparami ng mga ganito na tao bago kapag nagkaproblema na ay agad agad ka nalang nila tayong iiwan. Yung iba naman ay mahal ka nga pero sobrang higpit naman na halos wala ka nang kalayaan, hindi mo na halos magawa ang mga bagay na gusto mo. May ibang tao naman na liligawan mo at magiging kayo pero ilang linggo o buwan lang ay aalis na at pupunta na sa malayo hanggang sa maging long distance na yung relasyon niyo, at dahil hindi lahat ng long distance relationship ay nag wowork ay panigurado na maghihiwalay rin kayo.

Kaya naman pumili tayo ng mas madaling mahalin, pumili tayo ng hindi tayo iiwan, pumili tayo ng hindi nanloloko, pumili tayo ng taong may respeto sa atin, pumili tayo ng hahayaan tayong gawin ang mga bagay na gusto natin at makakapagpasaya sa atin, at pumili tayo ng susuportahan tayo sa lahat, sigurado ako na magwowork ang mga magiging relasyon natin at hindi ito basta basta masisira.