“Worst feeling
Yung nasasaktan ka, pero walang nakakaalam:(“
Manahimik at magisa yan ang ginagawa ng mga taong malakas ang loob kahit nasasaktan na.Uupo sa gilid mag mamasid at luluha,Isang senyales ng pagsasarili ng problema.Ayos na ding walang makaalam, dahil wala din Naman silang pakialam. Magmumokmok sa gilid at iisipin ang sakit, tama pa ba ang nararamdaman? O sadyang nananadya lang.
Sa bawat sakit na aking itinatago, walang alam ang bawat tao. Minsan hinuhusgahan pa ng patago kahit alam ko Naman ito.Sadyang ganyan lang talaga magisip ang mga tao, lalo na yung mga hindi binabago mga isip nilang malalabo.
Mahirap sarilihin ang sakit, pero alam kong wala din namang makikinig. Hihiga na lang at itutulog ang sakit, ang sandaling mga pagkakamali. Nagtatanong ano bang kulang? Mga bagay na hindi ko Naman maintindihan, kaya minsan napapatanong na lang may ginawa ba akong kasalanan. Oo, maraming bumabagabag sàkin, maraming katanongan sa aking isip pero kahit ako mismo hindi ko masagot kaya ito’y balewala din. Iiyak na lang palihim dahil wala din, nagiisip kung isusuko na ba ang lahat ng sakit, dahil hindi ko na rin kinakaya. Ang hirap talagang magisa at kayanin ang mga problemang dala dala, kahit alam kong sobrang hina ko na at hindi man lang pakinggan ng iba. Mas lalo akong nasasaktan dahil kahit isa walang andyan para aking masandalan manlang.